CHAPTER 19

17 0 0
                                    

ETHAN GREY

When I was still in high school, I thought being an owner, being a CEO is just a simple thing. I thought it was just an easy position. Kasi nga diba, ikaw ang CEO, ikaw ang pinaka-mataas, ikaw ang may kapangyarihan. Yung tipong pa-upo-upo ka lang sa opisina mo, pipirma sa mga dapat pirmahan at utos lang ng utos sa mga empleyado.

But right now, I've realized that all my thoughts before about being a CEO is all wrong. Because being the highest, being the boss is not that easy. I have so much responsibility in the company also to my employees. Na sa bawat papel at dokumentong lalapag sa aking table, kailangan ko munang basahin ng mabuti bago pumirma. Na sa bawat problemang kakaharapin, kailangan ang aking presensiya. Kung minsan nga wala na akong oras para kumain dahil sa dami ng trabahong kailangan tapusin. Dagdag mo pa ang mga meeting na kailangan kong puntahan. Oo nga't nakakapag utos ako sa empleyado pero hindi katulad ng iniisip ko noong high school. Hindi naman kasi lahat puwede kong i-utos at i-asa sa kanila. May mga bagay na kailangang ako ang gumawa at tumapos. “Romel, siguraduhin niyong bago matapos ang araw na 'to ay tapos na din ang paglilinis dito sa factory.” -sabi ko sa namamahala ng paglilinis dito sa factory.

“Makaka-asa ka, sir. Pero yung mga raw materials at supplies sa storage room, anong gagawin sa mga yon?” -tanong niya.

“Dispose it. Papalitan na ang mga yon. Make sure na walang matitira kahit katiting. Babalik ako dito mamayang hapon kasama sina dad para i-double check.” -sagot ko at tumango siya bago tumawag ng ilang tao na isinama niya papunta sa storage room. Ako naman ay naglakad na palabas ng factory.

Simula nang ma-closed ko ang deal sa mga investor ay pinag-planuhan ko na ang paglilinis ng factory upang mapalitan lahat ng dapat palitan. At isang linggo na mula nang pasimulan ko ang general cleaning sa factory. Bumili ng bagong equipment at machine na ipinalit sa luma. Yung mga raw materials naman ay ipina-dispose ko na katulad ng utos ko kay Romel.

As soon as I enter my office, my phone suddenly rang. “Hello!” bungad ko.

Okay na yung mga order mo. Ide-deliver ko na ba diyan ngayon?

Hindi na muna. Bukas mo na lang ng umaga i-deliver.

Sige

Ibinaba ko na ang cellphone ko at naupo sa swivel chair. May ilang papeles sa table na sigurado akong pirma ko na naman ang kailangan. Hindi ganon kadami pero sawang-sawa na akong pumirma ng papeles. Araw-araw na lang ganito. Buti sana kung pipirmahan ko lang kaso hindi eh. Babasahin ko pa. Ayoko namang basta-basta pirma 'no. Mamaya kung anong nakasulat diyan tapos napirmahan ko, eh di yari.

Napa-buntong hininga na lang ako sabay sandal sa sandalan ng swivel chair. Lagpas ng alas dose pero hindi pa ako nagta-tanghalian dahil sa dami ng trabaho. Hay buhay!

Ilang minuto akong nanatili sa ganong posisyon bago ko naisipang basahin ang mga papeles sa table ko. Mamaya na lang ako kakain after nito.

Pero hindi pa man ako nakaka-ilang page ay biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at pumasok ang secretary ko. Akala ko siya lang pero napa-tampal na lang ako sa aking noo nang makita ang kasunod niyang pumasok. Panibagong stress na naman! “Hi baby!” -sambit agad ni Bernadette habang ke-kembot-kembot na naglalakad palapit sakin. Sinenyasan ko ang aking secretary na lumabas na at ako nang bahala sa babaeng 'to. “Did you miss me?” -naka ngiti niyang tanong matapos ilapag sa table ko ang isang paper bag.

“I'm busy, Bernadette.” -seryoso kong sambit at pinag-patuloy ang pagbabasa.

Oh come on, Ethan. Mamaya mo na gawin yan. Kumain ka muna. Nag take out ako ng lunch sa favorite restaurant nating dalawa.” -sabi niya at kinuha sakin ang mga papel.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon