CHAPTER 23

19 0 0
                                    

SHANAIA ISABELLE

Nag-aayos ako ng mga gamit sa aking table nang mapa-lingon ako sa office ni Ethan. And to my surprise, I saw him with his secretary holding onto his arms flirtatiously. Gusto kong tumawa ng malakas dahil don at sa hindi maipintang mukha ni Ethan. Sunod sunod ang pag kurap ng mata niya habang nakatingin sa kaniyang braso kung saan nakakapit ang kaniyang secretary. Pero braso nga ba ang tinitingnan o yung dibdib ng secretary niya? Tsk! I'm sure sa dibdib. Nakaka-ilang lunok na eh.

They stayed in that position before Ethan said something to her then immediately gets in to his office and slammed the door close. Whew! Sayang hindi natamaan yung mukha! Kidding aside!

Pinanood ko pang mag padyak ng paa yung secretary ni Ethan na siguro dahil sa inis. She turned her back on the door and her eyes landed straightly on me. Coincidence lang ba na sumakto sakin ang tingin niya o sadya at alam niyang kanina ko pa sila pinapanood? Iwinaksi ko na lang ang isipin na yon at sinalubong ang mga tingin niya. I kept my face expressionless as I raised my eyebrow at her. Medyo natigilan pa ako na hindi ko pinahalata when she rolled her eyes before walking to somewhere. Not going to the cafeteria because she turned left. Atittude!

Well, I was not that surprised when she did that dahil simula pa lang nang magsalubong ang tingin naming dalawa, kita ko na agad ang pagka-inis sa kaniyang mukha. Medyo masama pa nga ang tingin sakin eh. But sorry na lang siya dahil hindi gagana sakin ang attitude niya!

Isang beses ko pang tiningnan ang aking office table at nang masigurong maayos na yon ay lumabas na ako ng office para pumunta sa cafeteria. Yes! May sariling cafeteria 'tong E&G na nandito lang din sa loob ng building. Nasa ground floor yon kaya need pa sumakay ng elevator. Pero kung ayaw mo naman sa cafeteria kumain, puwede kang mag order online at magpa-deliver. But in my case na hindi mahilig sa mga restaurant food or fast food, mas gusto kong dito kumain sa cafeteria.

Halos mapuno ang buong cafeteria nang madatnan ko at kapuwa mga busy sa pagkain. May ibang tapos na at nagku-kuwentuhan na lang. Dumeretso ako sa counter at umorder ng lunch meal. Kita ko pa ang pagka-gulat sa mukha nung cashier nang tingnan niya ako. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit ganon ang ekspresyon niya pero hinayaan ko na lang. Nagugutom na ako at gusto ko na talagang kumain. “How much?” -tanong ko sa cashier nang ilapag niya ang tray ko ng pagkain sa harapan ko.

“Hindi niyo na po kailangang bayaran yan, ma'am Shanaia.” -sabi niya na ikinapagtaka ko. Is it because I am the CEO's wife or because I am the CFO? Maybe the first one.

But I don't want that kind of treatment. I am still an employee here so I must pay for my meal. “No. I'll pay for it. Whether you like it or not. So, how much?” -tanong ko ulit.

Nagdalawang isip pa siya bago nagsalita. “400 po.” -sagot niya.

Kumuha ako ng 500 cash sa purse at iniabot sa kaniya. “I don't have an employee's card so I'll pay in cash. Keep the change.” -pagkasabi non ay kinuha ko na ang tray at naghanap ng vacant table habang naglalakad. Pero mukhang hindi ko na kailangan maghanap.

Natanaw ko sa di kalayuan si Yuri na kumakaway sakin. Kasama niya sa table sina Ella, Carille at ang ilang employee under finance department. “Dito ka na maupo, ma'am Shanaia. Para hindi ka na rin pupunta pa sa dulo." -sabi ni Yuri nang makalapit ako sa table nila.

“Thanks!" -sambit ko at inilapag ang tray sa mesa. Napa-tingin pa ako sa kanilang pagkain na parang hindi pa mga bawas. "Hindi pa kayo nakain?" -tanong ko at sabay sabay silang tumango. "Pero kanina pa kayo dito diba?" -tanong ko ulit.

"Eh hinihintay ka po namin." -sambit ni Ella.

Napa-tango na lang ako at naupo sa katabing upuan ni Yuri. Napa-tingin pa ako sa kaniya nang mapansin kong nakatingin siya sa pagkain ko. "Why?" -tanong ko.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon