CHAPTER 36

21 0 0
                                    

Stop the wedding... That was my only plan when I came back here in the Philippines. Which is nagawa ko naman. Pero ang pagpalit kay Shally at gawing bride ni Ethan ang sarili ko...ang pagiging asawa ni Ethan...ang unti-unting pagbabago ko...ang paglalayo namin ni Clayton sa isa't isa...at ang unti-unti kong pagkahulog kay Ethan...lahat ng yan ay hindi kasama sa plano. Lahat ng yan ay hindi ko inaasahang mangyayari. Basta bigla na lang. Biglaang desisyon... Biglaang pagkahulog at hindi ko namalayan.

Pagkatapos kong makausap sina Jhade ay naging klaro na sakin kahit paano ang ilang bagay na nakapagpapagulo sa isipan ko. May ilang tanong na nasagot pero may panibago na namang dumagdag. Although, hindi naman yon nakakapagpagulo sa isip ko. Hindi ko lang talaga maiwasang itanong sa akong sarili... Paano ba ako umabot sa puntong 'to? Paanong nahulog ako sa kaniya nang hindi ko namamalayan? Bakit hindi ko napagtanto agad? Ganon ba ako ka-pokus sa pangakong binitawan ko kay Clayton kaya hindi ko na namalayang nahuhulog na pala ako? Na ultimo yung pangakong 'yon ay hindi ko na matutupad.

Jhade made me realize everything. It's true na minahal ko si Clayton bilang siya. Pero mas malalim pa rin pala yung pagmamahal ko sa kaniya bilang kaibigan kaysa bilang isang lalaki.

Ako yung klase ng tao na kapag nangako, tutuparin ko. Kaya nga siguro pumayag ako sa gusto ni Clayton dahil may pangako akong binitawan sa kaniya. Pangako na akala ko matutupad ko. Akala ko kaya kong tuparin. Actually, piwede naman talaga eh. Pero hindi lang si Clayton ang lolokohin ko kung sakali. Kundi pati na rin ang sarili ko... Some promises are meant to be fulfilled... Some promises are meant to be broken... And this time, I can't fulfill my promise anymore because I already broke it. I fell.

“Babalik ka naman bago mag 12 diba?” -may bahid ng lungkot sa boses ni Ethan. He's hugging me from behind and his chin was rested on my shoulder.

“Oo nga. Saglit lang ako don.” -sagot ko sa kaniya at tinanggal na ang kaniyang pagkakayakap sakin. Nakabusangot ang kaniyang mukha nang harapin ko siya at bahagyang nakanguso. “Ang pangit mo.” -natatawa kong sabi sa kaniya na mas lalong ikinasama ng kaniyang mukha.

“Malabo lang yang mata mo.” -naka simangot niyang sambit.

Tinawanan ko na lang siya bago muling nagpaalam. Buti na lang ay pinaalis na niya ako this time. Kanina pa kasi ako nagsabi sa kaniya pero halos abutin ng 30 minutes bago ako makaalis dahil panay yakap si Ethan at paulit-ulit na sinasabing bumalik ako agad.

Bumusina ako ng isang beses bago tuluyang umalis. Mahigit isang oras pa bago mag hating gabi. Kampante naman akong makakauwi ako agad bago mag 12...bago magpalit ang taon. Ang bilis ng araw. Katatapos lang ng pasko tapos new year's eve na agad.

Sa mga nakalipas na araw, pareho kaming naging busy ni Ethan. Hindi na rin ako nakabalik kay Clayton para makapag paliwanag ako ng ayos sa kaniya. Pero sa tingin ko naman ay wala na rin siyang pake sa explanation ko dahil kahit isang tawag o text ay wala akong natanggap mula sa kaniya. Pero bago man lang matapos ang taon na 'to, gusto kong ipaalam sa kaniya ang desisyon ko. Sana lang maintindihan niya ako.

Agad akong nag doorbell pagkatapat ko sa pinto ng unit ni Clayton. Pero naka-tatlo na ako at higit ay wala pa ring nagbubukas n'on. Baka nasa club siya. I want to make sure first kung nandito siya o wala bago ako pumunta sa kaniyang club. Baka kasi katulad na naman nang pumunta ako sa London. Nang hindi niya ako pinagbuksan ng pinto.

Pinindot ko ang passcode ng kaniyang unit at nang bumukas ito ay pumasok agad ako sa loob. “Clayton?!” -pag tawag ko sa kaniyang pangalan pero walang sumagot.

Wala akong nadatnan sa sala maging sa kusina. Kaya naman ay tumaas ako sa kaniyang kuwarto. Pero nasa pinto pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang pag-ungol ng isang babae mula sa loob ng kaniyang kuwarto. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya malinaw na malinaw sa pandinig ko ang sunod-sunod na pag-ungol ng babae maging ni Clayton. At hindi ako puwedeng magkamali. Yung boses, alam ko kung sino ang may-ari non. It's Arie. But why they're having sex? I mean, hindi naman sila.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon