CHAPTER 56

22 0 0
                                    

SHANAIA ISABELLE

Parang kapatid ko na si Claire. At kahit mayroon kami ni Kyler ng hindi magandang nakaraan, nanatili pa rin kaming dalawa ni Claire sa kung ano kami noon. Ate niya pa rin ako. Kaibigan pa rin namin ang isa't isa.

Ipinakulong ko si Kyler kasama ng mga lalaking kasabwat niya sa paggawa ng krimen na iyon. Hindi naman siya lumaban at tinanggap ang habang buhay na pagkakakulong sa salang attempted murder. Pero may chance naman siyang makalaya kung mabibigyan siya ng parole.

At si Claire, hindi ko man siya ipinakulong, nandito pa rin sa akin ang galit na nararamdaman para sa kaniya. Hindi ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niya.

“Kamusta ka na, pamangkin? Maayos na maayos na ba ang pakiramdam mo?” -tanong ni tito na nakaupo sa silya.

“Yes po, tito. Puwede na nga akong umuwi eh! Kaso ayaw pa rin ni Ethan. Hintayin ko na lang daw matapos ang dalawang araw at makakauwi na ako.” -sagot ko na nagmukhang reklamo.

Bahagya namang natawa si tito. “Hayaan mo na! Nag-aalala lang ang asawa mo sayo kaya gan'on.” - sabi niya na inismiran ko lang.

And speaking of him... “Where's my grapes and chocolates?” -agad kong tanong kay Ethan pagpasok niya. Naubos ko na kasi yung nasa ref kaya nagpabili ulit ako.

Itinaas niya ang plastic at paper bag na bitbit. “Ito na po.” -sabi niya bago tinungo ang kitchen counter. Inilapag niya doon ang pinamili at may kinuhang box mula sa paper bag. “Here's your chocolates.” -nakangiti niyang sabi bago iniabot sakin ang box ng tsokolate.

“Yung grapes?”

“Huhugasan ko muna.”

Tumango na lang ako at nagsimulang magbalat ng chocolate bago ito nilantakan.

Maya-maya lang din ay lumapit na si Ethan sakin bitbit ang isang bowl ng grapes. “Enjoy your grapes!” -sabi pa niya.

Kumuha agad ako ng isang piraso sa bowl at kinain ito. Pero agad ding napatigil ang aking pag-nguya nang may maramdaman ako sa aking bibig. Aiish! Iniluwa ko sa aking palad ang ilang buto ng ubas bago masamang tumingin kay Ethan na nag-aalangang ngumiti sakin at base sa ekspresyon ng kaniyang mukha ay alam niya ang dahilan kung bakit ako nakatingin ng masama. “H-hon...”

“Sabi ko seedless diba?” -seryoso kong tanong.

Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Wala akong makitang seedless eh. Puro may buto.” -sagot niya.

“Eh ayoko nga ng may buto... Tanggalan mo 'yan!” -utos ko sa kaniya sabay abot sa kaniya ng bowl.

“Ha? Tatanggalan ko 'to ng buto? Lahat?” -hindi makapaniwalang tanong niya. Lumingon pa siya kay tito na parang humihingi ng saklolo pero sinenyasan lang siya nito na gawin ang sinabi ko.

Napataas naman ako ng kilay nang hindi siya umalis sa kaniyang kinatatayuan. “May angal ka ba!?”

Mabilis pa sa alas kuwatrong nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha bago ngumiti sakin. “Tatanggalan ko na 'to ng buto.” -sabi niya at bumalik na sa kitchen counter. Tsk! Gagawin din naman pala eh!

Bumalik na ako sa pagkain ng chocolate at hindi na siya pinansin. Maging si tito na nagpipigil ng tawa ay hindi ko pinagtuunan ng pansin. Baka tuluyan niya lang kaming asarin ni Ethan.

Minutes had passed... Ang ibang ubas na natanggalan na ng buto ay ibinigay muna ni Ethan sakin  bago siya muling nagpatuloy sa pagtatanggal.

Si tito ay nagpaalam nang aalis matapos kausapin ang kung sinong tumawag sa kaniya. Babalik na lang daw siya sa araw ng discharge ko. Kaya kami na lang ni Ethan ang nandito sa kuwarto.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon