CHAPTER 40

20 1 0
                                    

“It was all a fake news. That picture na kumakalat ngayon sa internet, it was edited by someone... Someone who wants not just to ruin my reputation but also the image of E&G Cosmetics.”

: Kung ganon, sino ang taong nag-edit at nagkalat ng litrato sa internet?! Kilala niyo ba siya Ms. Elaina?! Puwede niyo bang sabihin samin ngayon kung sino?!

“We have a suspect but we don't have any proof right now. But don't worry, as soon as we get enough evidence, I will face whoever is that person to all of you..

: Ano pong masasabi niyo sa mga taong nagsasalita ng hindi magagandang bagay tungkol sa inyo?!

“Honestly, I wanna curse and punch all of them right now pero alam ko namang walang magbabago kahit gawin ko yon. At alam ko ring mas paniniwalaan niyo pa rin ang litratong yon kaysa sa mga sinabi ko ngayon. Hindi naman ako nag e-expect na paniniwalaan niyo ako kaagad but I'm just telling my side... Hindi ko kayo pipilitin at bahala kayo kung ano ang mas gusto niyong paniwalaan. Kaya salamat sa kung sino man ang maniniwala sakin... And before I end this press conference, gusto kong sabihin sa inyong lahat na malinis ang konsensiya ko. Alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang mali... I am not having an affair with my best friend's husband. And will NEVER have. I am Elaina Jhade Quijano and I won't stoop that low.”

Matapos yong sabihin ni Jhade ay ang manager naman niya ang nagsalita. Ito na rin ang nagtapos ng press conference.Ganon pa man ay hinabol pa rin ng mga tanong si Jhade ng mga reporters na hindi na niya pinansin hanggang sa tuluyang makaalis.

Pinatay ko na ang tv matapos n'on at tiningnan si Ethan na ngayon ay nakaupo sa tabi ko habang hawak-hawak ang mga papel na ipinadala ni tito sakin kani-kanina lang. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang address ko. Siguro nagtanong siya kay Shally o kaya kay mom. “Hindi ka pa rin ba tapos basahin ang mga yan?” -tanong ko dahil kanina niya pa binabasa ang laman ng mga papel na yon, which is information about don sa nagpakalat ng picture. Kung sino man yung kakilala ni tito na tumulong samin, sigurado akong magaling siya pagdating sa mga ganong bagay. Yun bang parang tracker or hacker! Ahh basta ganon! I'm not sure! Nahanap niya kasi agad kung sinong source ng pic. Although ang sabi ni tito sa text niya sakin kanina ay dummy account ang ginamit para i-post yung pic.. At kagagawa lang daw ng dummy account na 'yon. Meaning, ginawa lang talaga para mai-post yung litrato.

“Hindi ako makapaniwala dito sa nababasa ko eh. Ang tagal ko na silang empleyado pero ngayon ko lang nalaman na relatives pala sila.” -sabi niya bago ako nilingon.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Sino bang tinutukoy niya? Imbes na magtanong ay kinuha ko na lang sa kaniya ang papel at binasa ang laman non. “They are cousins?” -tanong ko nang mabasa ang profile ni Jessa at nang dating finance manager na ang pangalan pala ay James Castillo. Siya yung empleyadong tinanggal ko. Kaya pala paulit-ulit na tinitingnan ni Ethan... Nang ipadala kasi ito dito ay siya ang tumanggap. Nasa tv ang atensiyon ko kaya siya lang muna ang tumingin sa mga ito.

“I should talk to the HR about them.” -sambit ni Ethan bago sumandal sa back rest ng sofa.

Ako naman ay binasa ang kanilang profile info. Actually, hindi naman sila ang source nung picture. Kasama sa text ni tito na profile ng tatlong tao ang ipinadala niya. Yung isa lang sa mga ito ang source which is si Nicko Reyes. Isa siyang photographer and he's quite famous. Maraming kumukuha sa kaniya bilang photographer. Nabanggit din dito sa info niya na magaling siya sa computer. Which is hindi na nakapagtataka. Napaka pulido ng pagkaka-edit niya ng picture eh. At kaya naman napasama sina Jessa at ang pinsan niyang si James ay dahil relatives din sila ni Nicko... Magkapatid sa nanay sina Jessa at Nicko kaya bale pinsan nilang dalawa si James sa mother side. And Nicko is somehow familiar to me. Saan ko ba siya nakita?... “Oh I remember him na!” -wala sa sariling bulalas ko habang nakaturo sa picture ni Nicko.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon