CHAPTER 64

30 0 0
                                    

“Are you really sure about this?” -tanong ni Wilson sakin.

Isinara ko muna ang maleta at itinayo ito bago siya nilingon. “Ito lang ang nakikita kong paraan para masiguro ang kaligtasan ng anak ko.” -sagot ko sa kaniya.

“Lalaking walang ama ang anak mo pag nagkataon.” -seryoso niyang sabi.

I sighed. “Naisip ko na rin 'yan. Pero ano bang magagawa ko? I had no choice, Wilson.” -aking sambit.

“I understand. Hindi naman kita pinipigilan eh. At hindi ka naman talaga magpapapigil. Gusto ko lang siguruhin na hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo.” -litaniya niya bago kinuha ang maleta. “Dalhin ko na 'to sa kotse. Hintayin na lang din kita d'on.” -sabi niya bago lumabas ng kuwarto, hila-hila ang dalawang maleta.

Tumayo na rin ako at nilapitan si Nathan na nakahiga sa kama. Saglit ko siyang pinakatitigan bago nagpasyang buhatin upang makasunod na kay Wilson at nang maka-alis na.

Saktong pagtayo ko at pagharap sa pintuan ay ang siyang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni mom. “What's happening? Kaninong gamit ang laman ng dalawang maletang bitbit ng lalaking 'yon?” -magkasunod niyang tanong.

“Samin ng anak ko.” -I answered.

“Eh ang kay Ethan?” -tanong niya.

“Nandito. Kami lang ni Nathan ang aalis.”

Bumalatay ang kaguluhan sa mukha ni mom matapos ng aking sinabi. “I don't understand.” -sambit niya.

“Hindi niyo na kailangang intindihin pa. Mas magandang magtungo na lang kayo sa kuwarto niyo at mag empake na rin ng damit. Puwede na kayong bumalik sa mansiyon. Salamat sa pagtigil dito at pagtulong sakin.” -sinsero kong sambit at naglakad na palabas ng kuwarto.

“Shanaia...” -habol ni mom at dinig ko ang yabag niyang sumusunod sakin ngunit hindi ko na siya nilingon. “...Ano bang nangyayari?! Bakit aalis kayo ni Nathan? Ayos naman kayo ni Ethan kanina ah! Kaya bakit biglang ganito? Bagit bigla kayong aalis?!” -naguguluhang tanong ni mom.

Nang makababa sa sala ay tsaka ko lamang siya nilingon. “Wala na akong oras para magpaliwanag pa. Kung gusto mong masagot ang mga tanong mo, hintayin mong dumating dito si Ethan at sa kaniya ka magtanong. Alam niya ang dahilan kung bakit aalis kami ng anak...nang hindi siya kasama.” -pagtatapos ko sa usapan namin at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Nang makita ako ni Wilson ay umayos siya ng tayo at binuksan ang pinto ng passenger seat. Kaya naman doon na ako dumeretso. Pero bago sumakay ay nilingon ko pa si mom na nakatayo sa pintuan. Parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi na maisa-tinig.

Ako na ang unang umiwas ng tingin at sumakay na sa kotse. Matapos isara ni Wilson ang pinto ay umikot na siya sa driver seat at sumakay doon.

Hanggang sa maka-alis kami ay hindi ko na nilingon pa si mom. Kahit simpleng paalam...simpleng pagtaas ng kamay bilang pamamaalam...hindi ko ginawa. Hindi na rin naman siguro kailangan.

“Bakit mo pa sinend sa kaniya ang natanggap mong voice record? I'm sure uuwi agad 'yon kapag nakita niya ang message mo. At kapag hindi ka niya naabutan, sa airport agad pupunta 'yon. Susundan niya tayo.” -sabi ni Wilson habang nag da-drive.

“Hindi niya tayo maaabutan.” -walang emosyon kong sambit. Para akong siguradong-sigurado sa aking sinabi. Pero posible namang maabutan niya kami. Puwedeng tinatawagan siya ni mom at sinabi ang pag-alis namin ni Nathan. At kung totoo ang iniisip ko, sa airport na agad siya dederetso at hindi na sa bahay.

MAHABA-HABA rin ang naging biyahe namin bago nakarating sa airport. It's a good thing na hindi sinusumpong si Nathan. Tahimik lang siya buong biyahe at nilalaro ang aking kuwintas. Hinahayaan ko lang kahit puwede niyang mahigit at mapigtal pero baka naman pumalahaw ng iyak.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon