CHAPTER 59

21 0 0
                                    

Parang gusto nang lumabas ng aking puso dahil sa sobrang lakas ng pagkabog nito. Sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon at hindi 'to mawawala hangga't hindi ako nakakarating sa E&G. Hangga't may balak si Yuri na tumalon ng building!

“Manong, puwede bang pakibilisan pa?! Baka hindi na namin maabutang buhay ang kapatid ko!” -nagpapanic na sabi ni Yohan sa driver ng taxi. Magkasabay kaming papunta ngayon sa company. Humabol siya sakin kanina nang nasa elevator na ako.

“Pasensiya na pero hanggang sa ganitong speed ko lang puwede patakbuhin ang taxi.” -sabi ng driver.

“Akong bahala sayo basta bilisan mo lang! Please, manong! Kailangan naming makarating agad doon!” -pilit ko sa driver. At mukhang nakumbinsi ko naman siya dahil unti-unti niyang binilisan ang pagpapatakbo. Pero hindi man lang n'on nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Lord, wag niyong hayaan na ituloy ni Yuri ang balak niya! Pakiusap!

Nang makarating kami sa E&G at pagkatigil na pagkatigil pa lang ng sasakyan ay agad na akong nagbigay ng bayad sa driver. Hindi ko na hinintay ang sukli at bumaba na ng taxi.

Lakad-takbo ang ginawa namin ni Yohan papasok ng building at hindi alintana ang mga taong nasa labas ng building na nakatingala. Hindi sa kalangitan kundi sa rooftop ng building kung nasaan si Yuri.

Bawat madadaanan naming mga tao ay puro nagpa-panic. Ang iba ay napapatingin sakin na hindi ko naman pinansin pa. Si Yuri ang mahalaga ngayon.

“Bilisan mo naman!” -sambit ni Yohan habang nakatingin sa number ng floor kung nasaan na kami at sa arrow na gumagalaw pataas. Ang kamao niya ay naka-kuyom at mabibigat ang bawat hiningang lumalabas sa bibig.

Pero hinayaan ko lang siya dahil alam kong wala rin naman akong magagawa para kumalma siya.

Hanggang sa makarating kami sa rooftop...

“YURI!!!” -magkasabay naming sigaw ni Yohan matapos bumukas ng elevator. Maraming tao ang nandito sa rooftop. Kabilang na sina France, Ella, Carille, Lemuel at si Ethan.

“Hon?!” -gulat na sambit ni Ethan nang makita ako.

“I'll explain later.” -sabi ko na lang sa kaniya at nilingon si Yuri.

“Yuri, bumaba ka dito. Kung ano man ang problema mo, pag-usapan natin. Please!” -pangungumbinsi ni Yohan sa kapatid. Pero parang walang narinig si Yuri dahil hindi man lang ito gumalaw. Nanatili siyang nakatalikod samin at nakatingin sa ibaba. “Yuri, makinig ka naman kay kuya oh! Halika na dito, please! Wag mong ituloy yan!”

“Kanina pa ba siya diyan?” -tanong ko kay Ethan.

“Oo. At kahit anong gawin namin, wala pa ring nangyayari. Hindi namin siya makumbinsi.” -sagot niya.

“Ate Shanaia, gusto niyang pumunta dito si Nerine. Bababa lang daw siya kapag dumating si Nerine.” -sabi ni France.

“Then, call her!”

“Eh yun nga po ang problema. Cannot be reach ang cellphone number ni Nerine. Kahit yung kay Leon ay ganon din.” -napakuyom ako ng aking kamao sa sinabi ni France. Buwisit!

Nilingon ko si Yuri na nandoon pa rin sa kaniyang kinatatayuan habang si Yohan ay patuloy pa rin sa pangungumbinsi sa kaniya. “Yuri, makinig ka naman sakin!” -sabi nito.

“Ang sakit, kuya!” -biglang sambit ni Yuri. “Ang sakit-sakit!... Paano niya nagawa sakin 'yon?! Paano niya ako nagawang lokohin?!” -sigaw nito kasabay ng kaniyang paghagulhol. “Ginawa ko naman lahat ah! Pinagsilbihan ko siya... Minahal ko siya... Naghintay ako kasi 'yon ang sabi niya... Pero bakit niloko niya ako?! Sana sinabi na lang niya sakin diba?! Sana sinabi na lang niyang hindi niya ako mahal o hindi niya ako gusto!... Mahirap ba 'yon, kuya?”

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon