CHAPTER 18

14 0 0
                                    

SHANAIA ISABELLE

Mag-isa na lang ako sa kama nang magising ako at wala na si Shally. Wala rin naman siya sa CR kaya paniguradong nasa kusina yon.

Bumangon na ako at inayos ang kama bago dumeretso sa CR. Nag toothbrush lang ako at nag hilamos ng mukha pagkatapos ay nagpalit ng damit. Oversize shirt at maong short ang sinuot ko at lumabas na ng kuwarto habang nagtatali ng buhok.

Pagka-baba sa hagdan ay napa-tingin pa muna ako sa sala dahil sa attache case at coat ni Ethan na naka-patong sa sofa. Alas otso na ng umaga pero nandito pa rin siya.

Isinawalang bahala ko na lang ang mga yon at dumeretso sa kusina pero hindi pa man ako tuluyang nakaka-pasok nang marinig ko ang tanong ni Ethan kay Shally. “Nasan si Eris?” -tanong ni Ethan na hindi agad sinagot ni Shally. Nandito pa rin ako sa labas ng kusina at hindi nagpapakita sa kanila.

“Eris?” -patanong na sambit ni Shally.

“Oo, yung anak ng ate mo at ni Kyler. Nasan siya?” -tanong ulit ni Ethan.

“Bakit mo naman tinatanong?”

“I-im just curious. Ni minsan kasi hindi ko nakitang may kasamang bata si Kyler. Kahit nang dumating ang ate mo ay wala rin siyang kasamang bata.” -litaniya ni Ethan. Tsk! Curious daw! Alam kong may ibang dahilan kaya ka nagtatanong ng ganiyan.

“He's already dead. Mag a-apat na taon na ang nakakalipas.” -sabi ni Shally at bakas ang lungkot sa pagsasalita niya.

“Patay? Kaya ba naghiwalay sila ni Kyler dahil don? Kaya siya nagpunta ng ibang bansa?” -tanong ni Ethan. Papasok na sana ako sa kusina para ako na ang sumagot sa kaniyang tanong nang magsalita ulit siya. “May kinalaman ba ang magulang niyo sa pagkamatay ni Eris? Pansin ko lang kasi na hindi maganda ang tratuhan nina Shanaia at ng parents niyo.” -dagdag niya pang tanong.

“Pasensiya ka na, kuya Ethan. Wala akong masasagot sa mga tanong because it's not my story to tell. Masyadong personal ang mga tanong mo tungkol kay ate.” -sambit ni Shally.

“Simple lang naman ang mga tanong———”

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at seryosong pumasok sa kusina. “Sobrang interesado ka naman ata sa buhay ko para pati ang tungkol sa anak ko ay itanong mo kay Shally.” -seryoso kong sambit habang naka-tingin sa kaniya. Bakas ang kaba sa kaniyang mukha at halatang nagulat sa bigla kong pag sulpot.

“Ahm ate...”

“Hindi ba sinabi mo na wala tayong pakialaman sa isa't isa? Kahapon mo lang sinabi yon pero mukhang nakalimutan mo na agad.” -sabi ko.

“Wala naman talaga akong pakialam sayo!” -gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Walang paki pero wagas kung mag tanong. Psh!

“Ah talaga?! So ano yon, wala kang paki sakin tapos may paki ka sa anak ko? Ganon ba yon?!” -inis ko nang tanong habang unti-unting humahakbang palapit sa kaniya.

“T-teka. Anong gagawin mo?” -kinakabahan niyang tanong.

Naka-upo siya sa silya kaya medyo yumuko pa ako ng kaunti bago dahan-dahang inilapat ang aking kaliwang kamay sa kaniyang leeg. “Malaman mo man ang istorya ng buong buhay ko, wala kang mapapala don. Wala kang magiging benefits sa mga yon kaya tigil tigilan mo yang pagtatanong mo tungkol sakin maging ang tungkol sa anak ko.” -seryoso kong sambit bago inalis ang pagkakalapat ng aking kamay sa kaniyang leeg.  “Late ka na. Baka tuluyang ma-bankrupt ang kompaniya mo pag hindi ka pa umalis.” -sambit ko. Ilang segundo niya pa ako tiningnan ng masama bago padabog na umalis.  “Kumain na tayo.” -sabi ko kay Shally at naupo sa isang silya.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon