CHAPTER 15

22 1 0
                                    

SHANAIA ISABELLE

Matagal pa ba yan?” -tanong ko kay Ethan habang nilalagyan ng bandage yung braso niya na nahiwa pala kanina at ngayon lang napansin.

Puwede maghintay ka pa?! Kasalanan mo naman 'to eh!” -inis niyang sambit sakin.

Bigla naman akong napa-singhap dahil don. “Ang kapal naman ng mukha mong isisi sakin yan! Kasalanan ko bang hindi ka marunong tumanggi sa babae ha?!” -sabi ko sa kaniya kaya pinandilatan niya ako bigla ng mata. Tsk! Nurse na babae ba naman ang nag ba-bandage sa kaniya kaya ganiyan. “May kaartehan pa ba namang nalalaman. Kayang-kaya mo namang gamutin mag-isa yan, nag padala ka pa dito sa hospital.” -reklamo ko bago sumandal sa pader at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot kong cargo pants.

“Ah ma'am, mas okay nga po na nadala niyo si sir dito kasi———”

“Did I ask for your opinion?” -pag putol ko sa sasabihin niya. “No. So shut up.” -sabi ko pa kaya agad niyang binalik ang pansin sa pag ba-bandage kay Ethan. Epal!

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa matapos ang nurse. Nauna na ako sa sasakyan dahil nag bayad pa si Ethan. Anong ginawa mo?” -tanong niya agad pagka-sakay sa kotse ko.

“What are you talking about?” -walang gana kong tanong.

“Yung ginawa mo kanina. Bakit sinungitan mo yung nurse? Wala namang ginagawa sayong masama ha!” -sabi niya na para bang sine-sermonan ako.

Hindi ko muna pina-andar ang kotse at nilingon siya. “Why do you care? Type mo? Hindi ba pumayag na makipag one night stand sayo?” -sunod sunod kong tanong sa kaniya.

“O sige, sabihin nating type ko siya! Bakit? Selos ka?” -tanong niya din.

Ano bang definition sayo ng salitang selos?”

“Yang ginagawa mo! Ganiyan kayong mga babae eh! Kapag nagseselos kayo, itatanong niyo samin kung type ba namin yung babaeng pinag seselosan niyo!” -sagot niya.

“At hindi ako kabilang sa mga babaeng tinutukoy mo! Kahit panoorin pa kitang makipag sex sa ibang babae, kayang kaya ko. Dahil wala akong pakialam sayo! Kaya dapat, wala ka ding pakialam sakin. Wala ka dapat pakialam kung paano ko tatratuhin ang ibang tao, gets mo?.” -mahaba kong litaniya bago umayos ng upo at pinaandar na ang kotse.

Sa buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa bahay. Pagka-parada ko ng kotse ay bumaba na agad ako kasunod si Ethan.

“Teka! Kami may-ari ng bahay na 'to ah!” -bulalas ni Ethan habang ipina-palibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.

Malamang! Dito ba tayo pupunta kung hindi sa inyo ang bahay na 'to?!” -sambit ko at naglakad na papasok sa bahay.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon