SPECIAL CHAPTER 2

47 2 0
                                    

Sana'y bumuka ang lupa sa aking puwesto at ako'y lamunin. Sa mga ganitong pagkakataon, sana talaga kainin na lang ako ng lupa nang sa ganon ay matakasan ang kahihiyang nararanasan ko ngayon.

“Ba't yukung-yuko ka diyan? Baka mabali yang leeg mo.” -sabi ni Shanaia kasunod nang paglapag ng tray sa mesa.

Nagdadalawang isip na tumunghay ako at sandaling tumingin sa kaniya bago itinuon ang mata sa baso ng inumin. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso. “Salamat...sa juice.” -mahina kong sambit bago kinuha ang isang baso at ininom ng deretso ang laman nito. Kaunti na lang ay mauubos ko na nang mapatigil ako sa pag-inom at lumingon kay Shanaia na tatawa-tawa sa kaniyang kinauupuan habang nasa akin ang tingin. Bahagya naman akong nahiya sa inasal ko kaya hindi ko na inubos pa ang juice at inilapag sa tray ang baso.

“Hindi ka naman uhaw na uhaw 'no!” -sabi niya. Napayuko na lang ulit ako at hindi makapag salita. Until I heard her sighed. “If you're that worried about all the things you've said just a while ago, forget it. Naiintindihan ko naman kung bakit pumasok sa isip mo ang ganong bagay at kung bakit iyon agad ang na-interpret mo nang makita kami.” -litaniya niya.

“Shanaia, I'm really sorry. Pasensiya na sa lahat ng sinabi ko. Nagtanong dapat muna ako.” -pagpapakumbaba ko.

“Kung hindi ka pala nakita ni Nathan, eh di aalis ka na lang bigla at hindi na lilinawin kung ano ang totoo. Hindi ka na rin magpapakita sa anak mo.”

“I'm sorry.” -tangi kong nasabi.

“It's okay. Katulad nga ng sinabi ko kanina, I understand...” -she trailed off. “...Kilala kita, Ethan. Alam ko kung paano tumakbo yang isip mo. Alam ko kung gaano ka ka-overthinker. Alam ko kung paano mo i-exaggerate ang mga bagay-bagay. And to be honest, baka ganon din ang maiisip ko kung sakaling ako ang nasa posisyon mo.” -tuloy niya sa sinasabi bago huminga ng malalim. “Kung babaliktarin ang sitwasyon...kung ikaw naman ang makikita kong may kasamang babae habang buhat-buhat ang isang bata, iisipin kong may bago ka nang pamilya. Pero alam mo kung anong pinagkaiba natin?...” -tanong niya. “...Hindi ako aalis na lang basta kasi may anak pa akong gustong makita. May anak ako na gustong maka-usap at mayakap.” -seryoso nitang sabi ngunit may bahid ng lungkot.

Agad akong nakaramdam ng guilt sa kaniyang sinabi. Because it's true. Hindi ko naisip si Nathan nang makita ko sila ni Clarkson. I'm so stupid.

“Tatawagin ko lang si Nathan. Kanina pa sigurado 'yon excited na makausap ka.” -paalam niya bago tumayo.

Pero bago pa man siya tuluyang maka-alis ay agad kong hinawakan ang kaniyang braso. “Gustong-gusto ko na ring makausap si Nathan pero puwede bang tayo munang dalawa? May mga bagay pa akong kailangang linawin at ipaliwanag sayo. Kung maaari sana ay masabi ko sayo lahat bago matapos ang araw na 'to.” -pakiusap ko na sana ay pagbigyan niya. Natatakot ako na baka kapag hindi ko pa nasabi ngayon ay mawalan na ako ng chance na masabi bukas.

“No, Ethan. Maraming bukas para sa paliwanag mo. Sa ngayon, gusto kong ibigay ang pagkakaton na 'to kay Nathan dahil matagal siyang nangulila sayo. Limang taon siyang naghintay sayo.” -pagtanggi niya at tuluyan nang naglakad paloob ng bahay para tawagin si Nathan.

She's right. Si Nathan muna dahil makakapag hintay naman ang pag-uusap namin ni Shanaia. Inayos ko ang aking postura sa kinauupuan at hinintay na bumalik si Shanaia kasama si Nathan.

Pero matapos ang ilang saglit, tanging si Nathan lang ang dumating. “Daddy!!!” -malayo pa lang ay yan na ang kaniyang sigaw.

Kaya agad akong tumayo bago siya sinalubong at kinarga. “Mabigat ka ah!!” -bulalas ko na mas lalo niyang ikinangisi. Muli akong naupo pero ngayon ay kalong na siya. Paharap siyang nakaupo sa aking hita.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon