CHAPTER 4

53 2 0
                                    

ETHAN GREY

Kulang na lang ibato ko 'tong laptop ko sa sobrang inis dahil sa bagal ng pag lo-loading. Aabutin na ng isang oras, 99% loading pa din. “Peste ka!” -inis na sigaw ko nang mag loading pero walang impormasyon tungkol sa kaniya ang lumabas. Ang tagal tagal mag loading tapos wala din naman pala. Buwiset! Kanina pa ako search ng search dito pero kahit isang impormasyon tungkol sa Shanaia na yon, wala akong makuha. Maging sa info ng magulang niya at ni Shally, walang kahit isa na tungkol sa kaniya ang napapasama.

Napa hilamos na lang ako sa mukha ko at lumagok ng beer bago sumandal sa sandalan ng swivel chair. Sakto naman na tumunog ang cephone ko kaya napa-ayos ulit ako ng upo. “Hello.” -sabi ko nang hindi tinitingnan kung sinong tumawag.

“Parang bad mood ka ah. Sakto pala pag tawag ko sayo.” -boses ni Aaron mula sa kabilang linya.

“Bakit ka ba napatawag?”

“Si Kyler kasi, nag aaya uminom. At syempre game ako. Ikaw?”

“Nag aaya? Inaya ko din siya kanina pero ayaw niya daw.”

“Bakit? Hindi ba puwedeng nagbago ang isip niya?”

“Tsk! Sige na. Game ako.”

“Yown! Sure yan ha! Mamayang 7, sa paboritong club. Hintayin ka namin.”

Tinapos ko na ang call at muling sumandal sa swivel chair bago tumitig sa kisame. “Shanaia Villafuerte. Makakakuha din ako ng impormasyon tungkol sayo. At sisiguraduhin ko na mararanasan mo din ang ginawa mo sakin.” -sambit ko at ipinikit ang mata.

Ilang minuto pa akong tumagal sa ganong puwesto bago ko naisipang iligpit na ang mga gamit sa aking study table at pumasok ng CR para maligo. Wala ako sa mood magbabad sa bathtub kaya pumwesto agad ako sa ilalim ng shower. Matapos mabasa ng buhok ay bahagya akong yumuko kaya umagos ang malamig na tubig mula sa aking batok pababa sa buong katawan ko. Kung babae lang ako at umiiyak, magmumukha akong broken hearted na nag e-emote sa ilalim ng shower.

After almost 20 minutes, lumabas na ako ng CR suot ang itim na bathrobe. Medyo maaga pa pero nagbihis na din ako at baka maabutan ako ng traffic. Nagbihis lang ako ng white T-shirt na pinatungan ng denim jacket, jeans at rubber shoes. I put my wallet in the pocket of my jeans, also my cellphone. At after magsuot ng wrist watch ay lumabas na ako ng kuwarto.

Nasa gitna pa lang ako ng hagdanan nang makasalubong ko si mommy na mukhang problemado at may dalang envelope. Seems like, it is an important matter. “Where are you going?” -mom seriously asked.

“Bukod sa company, isa lang naman ang lugar na pinupuntahan ko kapag ganitong oras. Alam mo na kung saan yon, mom.” -sabi ko at lalagpasan na sana siya pero kaagad siyang  humarang sa daan.

Nagtataka akong tumingin kay mom pero seryoso lang ang ekspresyon ng mukha niya. “Mag usap muna tayo. Sumunod ka sa library.” -utos niya at naunang mag lakad pataas ng hagdan. Naguguluhan man ay sumunod na lang ako hanggang sa makarating kami sa library. “We really need the Villafuerte now, Ethan.” -sabi ni mom nang mailapag niya ang envelope sa center table at pabagsak na naupo sa sofa.

Naupo ako sa kaharap na sofa ni mom at tiningnan ang laman ng envelope. And I am right, this is really an important matter. “Hindi naman siguro nila iuurong ang kasal. Kailangan lang natin mag hintay na makapag usap sila.” -sabi ko habang isa isang tinitingnan ang mga reports.

“Mag hintay?! Ethan, naiintindihan mo naman siguro yang mga reports na yan! Hindi na natin kakayaning mag hintay ng matagal! Lalo na at hindi tayo sigurado kung papayag ang ate ni Shally!” -galit na sambit ni mommy. Tumayo siya at humarap sa malaking glass window ng library at tila kinakalma ang sarili.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon