CHAPTER 2

89 4 2
                                    

SHANAIA ISABELLE

5:30 pa lang ng madaling araw nang magising ako kaya si Shally ay tulog na tulog pa rin. Hindi na ako makaka-balik sa pag tulog pag nagising ako ng ganitong oras kaya naisipan kong mag gym na lang. Tutal may sariling gym naman kami dito sa bahay. Kaya tahimik akong lumabas ng kaniyang kuwarto at pumunta sa kuwarto ko.

Saglit na paliligo lang ang ginawa ko at lumabas ng CR suot ang white bathrobe. Inuna ko munang mag bihis ng damit bago mag blower ng buhok. I'm wearing an all black outfit from the sports bra, sweat short and to my rubber shoes. Madaling natuyo ang natural black kong buhok dahil hindi naman 'to ganon kakapal. Finally, I tied my hair highly.

Paglabas ko ng kuwarto ay saktong bukas ng pinto sa guest room kung saan natulog si Arie. "Good morning, Miss Shanaia." -bati sakin ni Arie paglabas niya at bahagyang nag bow. She's wearing a white T-shirt, black leggings and rubber shoes.

"Mag ja-jogging ka?" -tanong ko at tumango siya bilang sagot. "May gym kami dito sa bahay. Just in case na gusto mo mag gym." -sabi ko. Nag pasalamat siya sa pag-aaya ko sa kaniya pero tumanggi din dahil mas prefer niya daw ang jogging kaya nag paalam na siyang lalabas muna. Hinayaan ko na lang siya at ako naman ay bumaba na. Bawat maid na nakaka-salubong ko ay bumabati sakin ng good morning kahit hindi ko naman sila binibigyan ng pansin.

Pa-lagpas na ako sa kusina nang tawagin ako ni mom. "Mag gi-gym ka?" -tanong niya. Naka-suot pa siya ng apron kaya sa tingin ko nagluluto na siya ng umagahan. Ang aga naman.

"Obviously." -walang gana kong sagot at nagtuloy sa paglalakad. Masyado pang maaga para makipag plastikan ako sa kaniya.

"Ipapatawag kita pag ready na ang breakfast." -dinig ko pang sabi niya pero di ko na pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nasa likod na parte ng mansiyon ang gym katabi ng mini garden ni mom at madadaanan muna ang malaking pool bago makarating don. Ini-on ko agad ang air condition pagka-pasok sa gym at nagsimulang mag stretch. After that ay ang gym routine ko.

While doing my routine, I suddenly remember what happened last night. To be honest, hindi ko alam na may mangyayaring pag uusap kahapon nang sinabihan ko si Clayton na pupunta kami dito sa Pilipinas. On the way here, nag hanap ako info tungkol sa lalaking naka-takdang ipakasal sa kapatid ko. At mas lalo lang nadagdagan ang mga dahilan ko para tumutol sa plano nila dahil sa mga nalaman at nakuha kong litrato. I won't let my only sister to marry that womanizer. Kaya nang dumating kami dito at nadatnan ko sila, masasabi kong umaayon sakin ang tadhana. I want to laugh with his reaction when I throw all his pictures with different girls, different places and in different positions. Even his reaction when his dad look at him with a death glare. Kaya tingin ko sa mga oras na 'to, galit na galit siya sakin at pinaghahandaan ang susunod naming pagkikita. Then sorry na lang siya dahil sa susunod na magkita kami, lalo ko lang dadagdagan ang galit na nararamdaman niya. Tsk!>>

Nang makaramdam ng pagod ay naupo muna ako sa isang stool at nag punas ng pawis. Hindi ko naiwasang ilibot ang paningin sa buong gym at ang mga nabago dito na ngayon ko lang napansin. Noon, bato ang pader nitong gym pero ngayon, glass wall na yung sa bandang pintuan at kaliwang pader na kaharap ng pool. Kaya kitang kita ang labas. Yung side sa kanan ay isa nang malaking salamin. May mga nadagdag na ding equipment.

At sa gitna ng pamamahinga ko ay dumating si Shally. "Ate, ready na ang breakfast. Kain na tayo." -sabi niya kaya tumayo na ako at sabay kaming pumunta sa dining. Nadatnan ko pang kausap ni mommy si Arie pero tumigil sila nang makita ako. Hindi ko na lang pinansin dahil wala rin naman akong pakialam. "Ate, dito ka sa tabi ko." -sinunod ko ang gusto ni Shally kaya napapa-gitnaan nila ako ni Arie. Sa unahan naka-puwesto si dad at sa tapat ni Shally naka-puwesto si mom. We prayed first bago nagsimulang kumain.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon