CHAPTER 13

24 0 0
                                    

ETHAN GREY

After matapos ang seremonya ng kasal ay dumeretso na ang lahat sa reception na magaganap dito sa hotel ng Villa Sava. Kung gaano ka-simple ang ayos ng wedding venue ay siya namang enggrande ng reception. Mas marami ding nagpunta dito kaysa kanina sa wedding ceremony at masasabi kong bigatin ang mga taong bisita. Lalong lalo na ang mga bisita ng pamilya ni Shanaia.

Naalis sa mga tao ang pansin ko nang biglang tumayo si Shanaia. "Saan ka pupunta?" -tanong ko.

"Gusto ko ng magpahinga." -simple niyang sagot at naglakad na paalis.

Susundan ko na sana siya nang may tumawag sakin. "Ethan!" -boses ni dad.

"Bakit?" -tanong ko pag lingon sa kaniya.

"San pupunta si Shanaia?" -tanong niya habang nakatingin sa nilakaran ni Shanaia.

"Magpapahinga na daw siya." -sagot ko.

"Kahit kasisimula pa lang ng reception? Even the cutting of wedding cake is still not yet done." -nagkibit balikat na lang ako sa sinabi ni dad at tinalikuran na siya para sundan si Shanaia. Kung magpapahinga talaga siya, I'm sure sa presidential suite yon pupunta kaya sumakay agad ako ng elevator at pinindot ang number ng floor kung nasan ang suite.

Saktong paglabas ko naman ng elevator ay nag ring ang phone ko. "Hello, Kyler." -sambit ko.

(Anong nangyari, Ethan?! Nasan si Shanaia?! Si Aaron?) -inis na tanong niya mula sa kabilang linya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo lahat. Pero bakit pati si Aaron, hinahanap mo? Hindi ba dapat kasama mo na siya ngayon lalo na at hindi naman naging succesful yung plano?"

(Kaya nga tinatanong ko sayo kung nasan si Aaron dahil hindi pa siya nabalik simula nang magpunta siya diyan sa resort!)

"Paanong..." -hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko at pinatay na ang tawag bago mabilis na tinungo ang presidential suite. "SHANAIA!" -malakas na sigaw ko pag pasok sa suite. Hindi ko siya agad namataan sa living area maging sa dining at mini kitchen kaya ang kuwarto naman ang tinungo ko. "Shanaia!" -muli kong tawag sa kaniyang pangalan pagbukas ko ng pinto. Tanging ang black wedding gown niya lang na nasa kama ang nakita ko sa loob. Wala din naman siya sa CR kaya dumeretso na ako sa balcony. "Shanaia." -pangatlong beses na pag sambit ko sa kaniyang pangalan.

Lumingon siya sakin saglit at wala man lang kahit isang salita ang lumabas sa bibig bago ako muling tinalikuran. Tingin ko ay may ginagawa siya sa kaniyang kamay base sa paggalaw ng braso niya. Hindi ko lang alam kung ano dahil hindi ko naman kita. And I'm not interested.

"Nasan si Aaron?" -kalmado kong tanong pero wala agad akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Sigurado kong may kinalaman siya kung bakit hindi nakarating si Aaron sa dapat sanang meeting place nila ni Kyler.

Ilang saglit pa ay humarap siya sakin at hindi ko inaasahan ang bagay na hawak niya. "Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao?" -walang gana niyang tanong sakin.

Hindi agad ako nakapag salita at nakatitig lang sa hawak niyang baril. Kaya ang kabang nararamdaman ko kanina nang hanapin sakin ni Kyler si Aaron ay tila ba dumoble. Bakit may baril ka? Si Aaron? Anong ginawa mo sa kaniya?!” -galit na sigaw ko at walang pagda-dalawang isip na dinaklot ang kaniyang damit. Parang bula na nawala ang kaba ko at napalitan ng galit. Ayokong isipin na may nangyaring masama kay Aaron pero hindi ko yon maiwasan.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon