CHAPTER 38

19 0 0
                                    

Is life really full of problems? I mean, kailangan ba pagkatapos ng isang problema, dapat may panibago na naman? Hindi ba puwedeng palipasin muna ang ilang araw? Hindi ba puwedeng sulitin muna yung kasiyahan at pag nagsawa, tsaka na yung panibagong problema? Hindi yung bigla na lang darating sa kalagitnaan ng kasiyahan.

“Isabelle, anong gagawin natin?! Kalat na kalat na sa social media yung picture! Puno na rin ng mga reporters yung harapan ng bahay ko!” -frustrated na sabi ni Jhade habang palakad-lakad sa harapan namin.

“Kailangan muna nating malaman kung kanino nanggaling ang picture na yon.” -sabi ko.

Katatapos ko lang gamutin si Ethan kanina nang bigla na lang sumigaw si France at may pinakita saming litrato na ngayon ay trending na sa social media. Kasabay non ay ang pagtawag ni Jhade sakin kaugnay ng mga nasabing litrato. Sa hotel daw siya nag stay last night at nang umuwi sa bahay ay marami nang reporters ang naka-antabay sa harapan ng kaniyang bahay. Kaya imbes na tumuloy ay dito siya dumeretso sa bahay namin. O diba?! Ang saya-saya lang namin kagabi tapos ito yung biglang sasalubong samin ngayon!

Si Ethan naman ay agad itinanggi ang picture na yon. Sinabi niyang wala siyang alam don at naniniwala ako sa kaniya kahit pa may history siya ng pagiging womanizer. I'm not that stupid para bigla na lang maniwala sa kung anong nakita ko. Isa pa ay may tiwala ako kay Jhade. Alam kong hindi niya magagawa ang bagay na 'yon. Hindi siya ganong klaseng babae.

“Sobrang pulido ng pagkaka-edit nung picture kaya talagang masasabing totoo yon. Kaya rin mabilis na pinaniwalaan ng mga tao at kinalat.” -sambit ni Ella. Tama ang sinabi niya. Kung hindi ko lang talaga kilala sina Jhade at Ethan, pati ako ay maniniwala don.

Sa pang-ilang pagkakataon ay tiningnan kong muli ang litrato. It was Jhade sitting on the lap of Ethan in his office. Nakapulupot pa ang braso ni Jhade kay Ethan at base sa kanilang ekspresyon, masasabi talagang may something sa kanila. Actually, dun pa nga lang sa ayos nila eh. Pero katulad ng sinabi ko, hindi ito si Jhade. Ibang babae 'to.

Pare-pareho kaming tahimik at kapuwa mga nag-iisip. Nag-iisip ng solusyon at kung sinong nasa likod ng pagpapakalat ng litratong yon. At sa kalagitnaan ng katahimikan ay nagtaas ng kamay si Carille kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya. “Kanina ko pa 'to pinag-iisipan pero hindi ko lang masabi kasi ayoko naman mambintang lalo na at wala tayong ebidensiya. Pero baka kasi makatulong kahit papaano ano.” -sabi niya.

“What is it?” -tanong ko.

“Si Jessa, tingin ko may kinalaman siya sa picture.” -deretso niyang sagot.

“How do you say so? I mean, ikaw na rin ang nagsabi na wala tayong ebidensiya.” -sabi ko kahit maging ako ay pinagsu-suspetyahan si Jessa.

“Eh ma'am, diba yung picture ay kuha mula sa loob ng office ni sir Ethan. At si Jessa, siya lang naman ang labas-pasok sa office ni sir.” -paliwanag niya. Bahagyang napatango-tango ang iba naming kasama na tila sang-ayon sa kaniyang sinabi.

“O sige! Sabihin na nating yung secretary nga ni Ethan ang kumuha ng litrato. Pero sino naman yung nakaupo sa kandungan niya?! Parang imposible na kung si Jessa pa rin 'yon!” -sabat ni Jhade na ngayon ay nakaupo na.

Sa picture na yon, mukha at ilang parte ng katawan lang ang ini-edit. Sigurado akong ang original n'on ay talagang may nakaupo sa kandungan ni Ethan. “Sino ang huling naupo sa kandungan mo?” -seryoso kong tanong kay Ethan matapos ko siyang lingunin.

“Hon, a-ano bang klaseng tanong 'yan? I-iniisip mo bang nangangaliwa ako?” -medyo utal niyang tanong habang may bakas ng gulat sa mukha. Tila hindi niya inaasahang itatanong ko 'yon.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon