CHAPTER 43

16 0 0
                                    

“As you can see, there is two pictures flashed on the screen. The first one is the original picture and the second one is the edited. The picture was taken by my secretary——Jessa. Yun din ang litratong kumalat sa internet na nakita niyong lahat. And the editing was done by Nicko Reyes——a well known photographer.” -sandaling tumigil sa pagsasalita si Ethan at nilingon si Nicko na nakayuko lamang sa kinauupuan nito. “He admitted to us that he was just following someone's order. That someone is their cousin——James Castillo, the former finance manager in my company.”

: Kung ganon, anong dahilan mo para gawin ang bagay na 'yon, Mr. James Castillo?

Hindi agad nakasagot si James sa tanong ng isang press at tila nagdadalawang isip. “It's personal.” -yun na lamang ang kaniyang nasabi.

: Personal o binantaan kang wag sabihin?

: Mr. Castillo, totoo ba na ikaw ang may pakana ng naging issue ni Mr. Ethan Parker at ni Ms. Elaina Quijano? O binayaran ka lamang para malinis ang kanilang pangalan?

Agad kumuyom ang kamao ko dahil sa naging tanong ng dalawang press na 'yon kay James. Kita ko rin ang pag-igting ng panga ni Ethan nang itapat sa kaniya ang camera at alam kong nagpipigil siya ng kaniyang galit.

“Ganiyan ba talaga dapat magtanong ang isang reporter?! Hindi na tama 'yon ah!” -inis na sabi ni France. Halos lahat kaming nandito sa cafeteria na nanonood ng press conference ni Ethan ay mga kapuwa naiinis at nagagalit sa mga reporters. Sa simula pa lang ng press conference ay hindi na tama ang mga tanong nila.

“No. Hindi ako binayaran o tinakot ni Mr. Ethan. Totoo ang mga sinabi niya. Ako ang may pakana ng lahat. Ako ang nag-utos sa dalawa kong pinsan na gawin ang bagay na 'yon. Walang ginagawang masama si Mr. Ethan.” -pag sagot ni James.

At bago pa man may makapag tanong muli ay nagsalita na si Ethan. “Alam kong mahirap para sa inyo na paniwalaan ako. Lalo na at kilala niyo ako bilang isang womanizer...kabi-kabila ang babae. Pero lahat naman ng tao puwedeng magbago... I've changed myself...for the better...” -mataman siyang tumingin ng deretso sa camera bago muling nagpatuloy sa kaniyang sinasabi. “...for my wife.” -sinasabi niya yon habang nakatingin sa camera na para bang ako iyon at sa akin niya mismo sinasabi ang mga salitang 'yon.

Napuno naman ng bulungan ang cafeteria at kapuwa may mga nakakalokong ngiti na ibinibigay sa akin. Lalong-lalo na sina France na pare-parehong naka-ngisi sakin.

Nabalik lang ang atensiyon namin sa tv nang may magtanong muli na isang reporter.

: Let's say na wala nga kayong affair ni Ms. Quijano pero nagka-affair ka naman sa ibang babae. Because I believe that you're already married when that picture was taken. How would you explain that, Mr. Ethan?

“You're right. Kasal na nga ako nang mga oras na 'yon. Pero hindi ako nagka-affair sa ibang babae katulad ng sinasabi mo... Bernadette was one of my flings before. Nagpunta siya sa opisina ko at dinalhan niya ako ng lunch. Pero pina-alis ko rin siya agad. Hindi ko alam kung alam na ba niyang kasal ako. Pero siguro nalaman niya rin after dahil hindi na siya bumalik sa opisina ko. Now, do you still have a question?” -tanong ni Ethan pero wala nang nagtanong pa. “None? So I guess, tapos na ang press conference na 'to. Sana ay dito na matapos ang lahat. Please stop spreading fake news. Salamat!” -sambit niya bago tumayo at naunang naglakad paalis sa stage. Kasunod niyang tumayo yung tatlo na pare-parehong may bantay.

“Sana talaga matapos na ang issue nila ngayon.” -sambit ni Ella. I hope so!

“By the way, ma'am Shanaia. Ngayong wala na dito sa kompaniya si Jessa, sino na po ang bagong secretary ni sir Ethan?” -tanong ni Carille.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon