CHAPTER 46

23 0 0
                                    

Pagka-alis sa E&G ay dumeretso ako ng grocery store para bumili ng mga ingredients na kakailanganin sa cake na gagawin ko.

Mini cake lang ang gagawin ko at kaunting sangkap lang ang kakailanganin n'on. Kaya hindi ako nagtagal sa store at naka-uwi din agad.

Mamayang hapon ko pa balak simulan ang paggagawa ng cake kaya pagdating sa bahay ay nagbihis ako agad at nahiga sa kama. Wala naman akong ibang gagawin kaya matutulog muna ako saglit.

Nag set ako ng alarm sa aking cellphone para siguradong magigising ako sa tamang oras. Baka kasi mapasarap ang pagtulog ko at gabi na ako magising.

After i-set ang alarm ay ipinatong ko sa night stand ang aking phone at natulog.
————

Alas kuwatro... Iyon ang oras na sinet ko sa alarm.

At dahil hindi naman ako tulog mantika ay nagising ako agad sa unang pagtunog ng aking cellphone. Bago bumangon ay pinatay ko muna ang alarm. Tsaka ko lang nakita ang ilang text messages na galing kay Ethan.

I yawned when I get up before fixing my hair into a messy bun. Hindi muna ako umalis sa kama at binasa muna ang mga text ni Ethan.

From: Ethan  |  Today, 1:47 PM
Hon, katatapos lang ng meeting ko.
Nakauwi ka na ba?
Kumain ka na ba ng lunch?
Hindi ka puwedeng magpalipas ng gutom!
I love you! Uwi ako ng maaga mamaya.

From: Ethan  |  Today, 2:19 PM
Nailipat ko na ang mga gamit ko dito sa office mo.
I can smell your scent, hon.
Mas lalo tuloy kitang nami-miss.
Gusto ko nang umuwi!

Hindi ko maiwasang mapangiti habang matapos basahin ang mga messages ni Ethan. Sigurado akong nakanguso siya habang tina-type ang huli niyang mensahe sakin.

To: Ethan  |  Today, 4:06 PM
Just have read your messages.
And I bet na nakanguso ka while typing those last messages of yours’. Hahah!

Kung i-text ko rin kayang hindi ako kumain kaninang lunch? Sesermonan na naman ako nito panigurado! Tsk!

Pinatay ko na ang aking phone at umalis sa kama bago naghilamos sa CR. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa pinto ng dati kong kuwarto at mapatawa nang maalala kung paanong mabilis na nilipat ni Ethan ang lahat ng aking gamit sa master bedroom.

Nang matulog siya sa tabi ko ng gabing 'yon, akala ko ay gusto niya lang talaga that time at pagdating kinabukasan ay doon na ulit siya matutulog sa kaniyang kuwarto. Pero ang gabing nagtabi kami ay nasundan nang nasundan hanggang sa i-suggest niya na gamitin na raw namin ang master bedroom.

_____
“Hon, doon na kaya tayo matulog sa master bedroom? What do you think?” -tanong ni Ethan habang nakayakap na naman saking bewang ang braso at nakapatong naman saking hita ang kaniyang binti. Parang sawa!

“You mean, magsasama na tayo sa iisang kuwarto?” -paglilinaw ko.

“Oo. Wala na namang kaso yon ngayon eh! Mag-asawa tayo at mahal kita!” -sabi niya.

“Mag-asawa nga tayo. But the question is.....mutual ba ang feeling?” -tanong ko. But that doesn't mean that I don't love him. Gusto ko lang siyang asarin.

Pero mukhang sineryoso niya. “Hon, naman eh! Wag mo naman akong saktan!” -humigpit ang kaniyang pagkakayakap sakin at isiniksik ang mukha sa aking batok. Nakatalikod kasi ang puwesto ko sa kaniya. “Pag ako umiyak, mamamaga 'tong mata ko. Pagtitinginan ako bukas sa company. Pagbubulungan nila ako. Papangit ako. Gusto mo ba 'yon ha!?”

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon