EPILOGUE (part 2)

25 0 0
                                    

I did what I have to do... I did what I can do. At it's all worth it.

Hindi na niya itinuloy pa ang planong pagpa-file ng annulment. Nagpatuloy kami sa pagsasama pero hindi na lang bilang mag-asawa sa papel. Kundi yung totoong mag-asawa.

She started to love me. She started to care for me. Kusa na niyang ipinaparamdam sakin yung mga bagay na dating kinakailangan ko pang limusin.

Kahit pa nang magkaroon kami ng malaking problema. Nang magkaroon ako ng scandal issue na agad din naman naming nasolusyunan ay walang nagbago sa kaniya. Akala ko nga maniniwala siya sa kumalat na scandal picture ko pero hindi. Most people believed that that scandal about me and Jhade is true. But she didn't. Nakalimutan kong matalino nga pala ang asawa ko at walang makakapanloko sa kaniya.

Marami pang nangyari bukod sa scandal issue na 'yon.

Binawi ni dad ang posisyon ni Shanaia bilang CFO.
Binawi niya sakin ang posisyon bilang CEO.
Shanaia got pregnant. Iyon ang pinaka magandang pangyayari sa buhay ko. All of our friends celebrated it. They're all happy for us.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari...

“Tsk! Sana ininform agad nila ako na cancelled pala ang meeting! Hindi na sana ako tumuloy at sinamahan na lang si Shanaia sa hospital!” - iritado kong reklamo at pabagsak na naupo sa swivel chair. Nakakainis naman kasi! Tsaka lang nila sinabing cancelled ang meeting nang makarating na ako dito. Sana man lang nag text o tumawag sila sakin!

“Hayaan mo na lang, pre! Tsaka okay na rin 'yon. At least nagkita na ulit tayo! Matagal na rin yung huli nating pagkikita!” -sabi ni Aaron. Naabutan ko siya sa lobby kanina pagdating ko. Kararating niya lang din ng oras na 'yon.

Tiningnan ko lang siya bago huminga ng malalim. Lumapit siya sa puwesto ko at naupo sa gilid ng table. Sa paghawi niya ng kaniyang coat ay hindi inaasahang natabig ang picture frame na nasa lamesa.

“Shit!! / Fuck!!” -sabay naming nasabi dahil sa gulat. Mabilis niyang pinulot ang frame sa sahig. “P-pasensiya na! Hindi ko sinasadya!” -kinuha ko sa kaniya ang frame at tiningnan 'yon. May malaking crack na iyon. At sa hindi malamang dahilan, unti-unting tumubo ang kaba sa aking dibdib. Picture namin 'yon sa kasal ni Shanaia. “Pare, pasensiya na talaga!” -hingi ulit ng tawad ni Aaron.

Tipid ko na lang siyang nginitian dahil tila napipe na ako sa kaba. At hindi 'to mawawala hangga't hindi ko nasisigurong ayos lang si Shanaia.

Mabilis kong kinuha ang cellphone at agad na dinial ang phone number ni Shanaia.

(H-hello!)

“Nasa hospital ka na ba?”

(E-ethan...)

Sa boses ni Shanaia ay tila may hindi magandang nangyayari. Jusko! Wag naman sana! “Bakit parang kinakabahan ang tono ng boses mo, hon? May problema ba? Nasaan ka?”

(Ethan... Walang preno 'tong sasakyan...)

“Ano? Paano nangyari 'yon?... Wait, nasaan ka na?”

(I'm still on my way to the hospital.)

“Mabilis ba ang pagpapatakbo mo?”

(Hindi naman.)

“Then, continue driving. Wag kang mag panic, okay! Papunta na ako!” -pagkasabi n'on ay sinenyasan ko si Aaron na sumama sakin. Nakakunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka pero wala na akong oras para mag explain pa sa kaniya. Nasa panganib ang buhay ng mag-ina ko.

(Pero Ethan, may kasalubong akong truck! Wala akong lulusutan! What I'm going to do?)

“Shit!!!” -nasuntok ko na lang ang pader ng elevator dahil sa sobrang kaba at pag-aalala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko once na may mangyaring masama sa mag-ina ko!

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon