EPILOGUE (part 1)

34 0 0
                                    

Unexpected meeting... Unexpected marriage...

I was supposed to marry Shally Marie but instead, I married Shanaia. Marrying her is like a nightmare to me...at first. She's emotionless...expressionless...distant. Shanaia never smiled at me. She never smiled to anyone but to her sister only. I don't care, though! Because she's just nothing to me. Nagpakasal man kami pero sa papel lang kami mag-asawa.

“Unang-una, kinasal man tayo pero mag-asawa lang tayo sa papel. Wag mong kakalimutan na nagpakasal lang tayo para sa negosyo. Wag mo akong papakialaman at hindi rin kita papakialaman. Gagawin ko lahat ng gusto ko at hindi mo ako puwedeng pagbawalan. Lastly, hindi ka puwedeng ma-inlove sakin.” -seryoso kong sabi sa kaniya.

“Okay." -tangi niyang sagot at sa walang ganang tono pa. Like what the hell! Ang haba ng sinabi ko pero iisang salita lang ang magiging tugon niya. Para niya naring sinabi na walang kuwenta yung sinabi ko. Kaya nga mas lalo pang nadagdagan ang inis na nararamdaman ko para sa kaniya. Umalis na lang ako sa bahay pagkatapos ko siyang kausapin dahil tumawag ang secretary ko na may meeting daw ako. Nang araw ding yon nagkausap sina dad at Shanaia tungkol sa shares na iniwan ni lolo para sa magiging asawa ko. And she didn't accept it. Kaya ganon na lang ang kagustuhan ni dad na malaman ang mga bagay-bagay tungkol kay Shanaia at sa kompaniya nito.

“May nalaman ka na ba?” -tanong ni dad sakin pagdating ko sa office. Ang aga niyang pumunta dito at nauna pa talaga sakin para lang itanong yan?! Tsk!

“Just the name of her company.” -sagot ko at naupo sa swivel chair.

“And what is the name?” -tanong niya.

Medyo nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko o hindi. Kaso malilintikan naman ako kung hindi ko sasabihin. “Erison company.” -simple kong sagot at tumingin sa laptop ko.

“Yun lang?” -tanong ni dad kaya napatingin ako sa kaniya. Sa ekspresyon ng kaniyang mukha ay tila ba hindi siya kuntento sa isinagot ko at parang may gusto pang marinig. In the first place, bakit yun lang ang sinabi ko? Bakit yung company lang? “Ethan.” -sambit ni dad sa pangalan ko dahilan para makaramdam ako ng kaba. The way he called my name, seems like he's warning me. Na kapag may itinago ako sa kaniya, siguradong malalagot ako.

“Erison Hotel... Sky mall.” -sambit ko at tumango-tango naman si dad. Umiwas na rin ako ng tingin at itinuon sa laptop ang aking mata.

“Erison..." -sambit ni dad na para bang may inaalala sa pangalan na yon. “Yung restaurant and Cafe na pagmamay-ari ni Kyler, Erison din ang pangalan non hindi ba? Bakit pareho sila? May koneksiyon ba si Shanaia kay Kyler?” -tanong ni dad na hindi ko nagawang sagutin kahit alam ko naman ang sagot.

They are ex-lovers. They have a son. And his name is where the word Erison came from. “I don't know.” -sagot ko kabaligtaran ng nasa isip ko.

“Really? Don't lie to me, Ethan.” -paninigurado niya.

“I am not. I really don't know if they have a connection with each other.” -nagpapasalamat ako dahil hindi ako nautal.

“You're his friend.”

“Pero hindi na kami nagkaka-usap, dad! Ang huli pa naming pag-uusap ay yung pagkatapos ng kasal. After non, wala na siyang paramdam. Busy rin naman ako kaya wala na akong time para tawagan or puntahan siya.”

“Then make time to talk to him. I want to know about it.” -sabi niya bago tumayo at naglakad paalis. Pero tumigil siya sa may pinto at nilingon ako. “Before I forgot, maybe we could pay a visit the company of Shanaia in London. What do you think, Ethan?” -makahulugan niyang tanong habang may ngisi sa kaniyang labi at tuluyang nilisan ang opisina ko.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon