CHAPTER 50

18 0 0
                                    

Sobrang sarap sa pakiramdam ng malamig na simoy ng hangin. Napapapikit na lang ako at napapangiti sa tuwing tatama ito sa aking balat.

Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa railings ng veranda at ipinalibot ang tingin sa paligid. Pero sa daan ako lagi tumitingin ng mas matagal dahil inaabangan ko ang pagdating niya. Excited na akong ipaalam sa kaniya ang isang magandang balita.

“Excited ka rin ba, baby?.. Sigurado akong sobrang saya ng daddy mo pag nalaman niya ang tungkol sayo!” -nakangiti kong sambit habang marahang hinahaplos ang aking tiyan.

“Why am I here?” -tanong ko kay Yuri na naka-upo sa sofa nang magising akong nasa hospital bed.

“Nag-alala ako kanina nang mahimatay ka kaya tumawag ako agad ng nurse. Tapos dinala ka nila dito. Ayos na po ba ang pakiramdam mo?” - nag-aalala niyang tanong.

“Yeah. Pagod lang siguro ako kaya ako nawalan ng malay. Pero ayos na ako ngayon.” -sabi ko at inalis ang kumot sa aking katawan.

Tatayo na sana ako nang may pumasok na babaeng doctor. “Sakto pala ang punta ko, gising ka na. How's your feeling?." -nakangiti niyang tanong.

“I'm fine, doc.”

“That's good. But before you leave, I have a good news for you.”

I frowned. “What is it?" -tanong ko.

“You're pregnant!”

Ilang beses akong napakurap sa tinuran ng doctor. “I'm.....p-pregnant?”

“Yes, misis! You're already 4 weeks pregnant! Congratulation!”

Natulala ako sa sinabi ng doctor at matagal bago nag sink-in sa aking utak ang kaniyang sinabi. Napahawak ako sa aking tiyan at hinimas iyon. “I'm having a baby...again.” -naluluhang sambit ko.

“Congrats, ate Shanaia!” -masayang sambit ni Yuri.

Sobrang saya ang naramdaman ko nang sabihin ng doctor na buntis ako. Gusto ko na ngang tawagan si Ethan para ipaalam sa kaniya pero naisip kong mas maganda kung sa personal ko sa kaniya sasabihin.

Kaya matapos akong kausapin ng doctor at matapos kong magpaalam kay Yuri at Yuan ay agad akong umuwi sa bahay. Inaasahan kong nandon na si Ethan dahil mag a-alas otso na pero wala siya ng umuwi ako.

Pero hindi naman n'on nagawang bawasan ang kasiyahang nararamdaman ko. Hinintay ko na lang si Ethan pero nagtext siya sakin na male-late siya ng uwi dahil may kailangan pa daw siyang tapusin. Eh hindi naman ako puwedeng mapuyat dahil nga buntis ako. Kaya ipinagpaliban ko na lang muna ang pagsasabi sa kaniya tungkol sa anak namin at hindi na siya hinintay.

Kinabukasan naman ay nagmamadali siyang umalis dahil may meeting daw sila. Ayoko namang pigilan siya para sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil mukhang importante ang meeting na 'yon. Saka marami pa namang araw. At nang gumabi ay hindi ko na ulit siya nahintay.

Kanina naman ay hindi ko nasabi dahil late na akong nagising. Medyo tumatakaw agad ako sa pagtulog.

Kaya sana ngayon, masabi ko na sa kaniya. Sana maaga siyang makauwi.

At mukhang dininig agad ni lord ang panalangin ko dahil maya-maya lang ay dumating na si Ethan.

Mula sa veranda ay pinanood ko siyang mag park ng kotse at maglakad papasok sa bahay. Hindi ako umalis sa veranda. Hindi ko siya sinalubong. I just waited him here.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon