CHAPTER 26

17 0 0
                                    

Inabot ng mahigit isang oras ang paghihintay ko kay Jhade bago siya bumaba nang naka-bihis na. She's wearing a black formal dress na mas lalong nakapagpa-emphasize sa maputi niyang balat.

May ibinilin lang siya sa kaniyang maid bago kami lumabas ng bahay. “Bakit walang gate bahay mo?" -tanong ko sa kaniya habang pababa kami sa hagdan.

“Wala namang masasamang loob dito. Tsaka mahigpit ang security ng buong village. So, ayos lang kahit walang gate ang bahay ko.” -sagot niya.

Napatango-tango na lang ako at deretso kaming tumawid sa kabilang kalsada kung saan naka-park ang aking kotse. Makikisakay na lang daw muna si Jhade ngayon at magpapa-sundo na lang sa kaniyang driver slash private assistant mamaya. Tutal at gamit rin nito ang isa niyang kotse.

“Do you have a position in your husband's company?" -maya maya ay tanong ni Jhade habang nasa biyahe kami.

“Yeah, I have! Chief Financial Officer...and also a share holder." -sagot ko.

“Wow! Siguradong makaka-angat na talaga ang E&G niyan mula sa pagkaka-lugmok ng isang taon." -sabi niya. Itatanong ko pa sana kung paano niya yon nasabi pero hindi na lang ako nagsalita at nag pokus na lang sa pagmamaneho.

Tahimik ang buong biyahe namin dahil wala na rin naman siyang sinabi. Busy siya sa kaniyang phone at mukhang may ka-text. Siguro yung driver niya. Puwede ring manager o kaya boyfriend niya.

Pagdating sa E&G ay nagsuot muna ng sun glass si Jhade bago lumabas ng kotse ko. May mga guard namang lumapit samin para in-case na may maglapitan sa kaniya. Actually, itinawag ko dito kanina habang naghihintay ako kay Jhade na maglagay ng guard sa labas ng E&G building. Hindi lang isa kundi higit pa. After all, Jhade is a celebrity. A famous one. At hindi nga ako nagkamali sa inakala ko dahil wala pa man kami sa entrance ng building ay marami nang nakapansin sa kaniya.

‘OMG! Is that Elaina Jhade Quijano?’

‘Yung sikat na celebrity?!’

‘Gagi beh! Nasaan?! Magpapa-autograph ako!’

Ilan sa mga narinig ko. Ang iba ay nanatili lang sa kanilang puwesto at kaniya-kaniyang bulungan pero ang iba naman ay nagtangkang lumapit pa kay Jhade na agad pinigilan nung guard. Hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok sa building.

Gulat at pagtataka ang naging reaksiyon ng bawat empleyadong nakakakita kay Jhade. Pero hindi katulad sa mga tao sa labas, tamang tingin lang sila at hindi lumalapit. Si Jhade naman ay todo ngiti sa kanila.

‘Don't tell me na siya ang magiging new endorser ng Parker?!’

‘Oh my ghad! Ang suwerte natin kung ganon!’

‘Si ma'am Shanaia lang pala kailangan para mapapayag si Ms. Elaina eh! Kasi diba ni-reject na niya ang Parker.’

Mga bulungan naman dito sa loob ng kompaniya.

“Sobrang sikat ka na talaga.” -sambit ko nang makasakay kami sa elevator.

“Well, ako lang naman ang most famous celebrity ngayon sa buong Pilipinas.” -sabi niya sabay flip pa ng buhok. Inismiran ko lang siya at inirapan naman niya ako. “Wag mo akong ismiran diyan. Nagtatampo pa din ako sayo." -sambit niya.

“Babawi naman ako sayo, wag kang mag-alala.”

Medyo nagulat pa ako ng ikawit na naman niya ang kaniyang braso sa akin. “May gusto akong bilhin na bag. Limited edition. Yun na lang pangbawi mo sakin." -sabi niya habang malawak na malawak ang ngiti sakin. Kagaling!

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon