CHAPTER 62

19 0 0
                                    

“Ethan, ako na diyan! Magbihis ka na at baka ma-late ka pa.” -sabi ko kay Ethan na kasalukuyang hinuhugasan ang mga baby bottle ni Nathan.

“Dalawa na lang 'to, hon. Tatapusin ko na.” -aniya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil d'on. Kanina ko pa siya kinukumbinsi na magbihis pero 'yan palagi ang kaniyang isina-sagot. Hindi ko naman maagaw sa kaniya ang kaniyang ginagawa dahil nagtitimpla ako ng gatas ni Nathan. “Pagkatapos mo diyan, magbihis ka na ha!” -nasabi ko na lang.

“Opo!” -sambit niya.

Napa-iling-iling na lang ako at tinapos na ang pagtitimpla ng gatas. Pagkatapos ay dinala ko na ito sa kuwarto namin kung nasaan si mom na siyang nagbabantay kay Nathan.

“Mukhang nagugutom na.” -sabi ni mom pagkapasok ko sa kuwarto at naabutang umiiyak si Nathan.

Kinuha ko sa kaniya ang anak ko at inihiga sa kama bago naupo sa gilid nito. “Hush~! Here's your milk na.” -aking sambit bago itinapat sa kaniyang bibig ang chupon na kaagad niyang isinubo at dumede roon. Gutom na nga talaga siya dahil otomatikong tumigil ang kaniyang pag-iyak matapos makalasa ng gatas.

“Babalik muna ako sa kuwarto ko para maligo.” -paalam ni mom.

“Sige ho.” -tanging sambit ko at saglit siyang tinapunan ng tingin bago muling itinuon kay Nathan ang pansin. “Gutom na gutom ka ba, anak? Ang dami mo nang nadedede.” -pagkausap ko kay Nathan bago marahang pinunasan ang kaniyang pisnge na may bahid ng gatas.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Ethan. Akala ko ay dederetso na siya sa pagbibihis pero lumapit pa sakin at naupo sa likuran ko bago yumakap sakin. “Ang bango mo.” -sabi niya matapos amuyin at halikan ang leeg ko.

“Tapos mo nang hugasan yung mga bottle ni Nathan?” -tanong ko.

“Yeap! Nandon na sa kuwarto ni baby.” -sagot niya.

“Eh ano pang ginagawa mo diyan? Magbihis ka na!” -sabi ko pero hindi siya umalis sa kaniyang puwesto at nanatiling nakayakap sakin. “Ethan!”

“Ayokong pumasok.”

“At bakit naman?”

“Anong bakit naman? Bawal na ba akong umabsent ngayon sa trabaho? Tsaka isang araw lang naman eh! Nami-miss ko na kayo ni baby!” -dahilan niya.

“Hindi nga bawal na umabsent pero dagdag trabaho na naman 'yan bukas imbes na matatapos mo na ngayon.” -pangungumbinsi ko sa kaniya. Hindi na kasi siya naubusan ng gawain eh.

“Hon, ako nang bahala d'on. Tsaka puwede ko namang ipadala na lang dito sa bahay yung ibang paper works ko.” -pagpupumilit niya.

I tsked. “Bahala ka nga!” -sabi ko bago tumayo at iniabot sa kaniya ang milk bottle ni Nathan. Taranta naman siyang pinadede si Nathan dahil pumalahaw agad ito ng iyak nang alisin ko sa kaniyang bibig ang chupon. “Ikaw munang bahala kay Nathan. Maliligo lang ako.” -sabi ko at tinungo ang cabinet.

“Mamaya ka na maligo, hon! Sabay tayo!”

“Naligo ka ah!”

“Puwede namang umulit!”

Isinakbit ko sa aking balikat ang towel bago siya nilingon.  “Hindi puwede! Bantayan mo 'yang anak mo!” -sabi ko bago siya tinalikuran.

“Anak natin!” -pagtatama niya sa sinabi ko na palagi niyang ginagawa everytime na sasabihin kong “anak mo”.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon