CHAPTER 35

24 0 0
                                    

“Good morning, hon!” -nakangiting mukha ni Ethan ang agad na bumungad sakin pagmulat ko ng mata. Patagilid siyang nakahiga sa tabi ko habang nakatukod ang kanang siko sa kama pangsuporta sa kaniyang ulo.

Inirapan ko lang siya bago naupo sa kama at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Kanina ka pa ba gising?” -tanong ko.

“Yeap! Siguro mahigit isang oras na akong gising.” -bahagyang gumalaw ang kama kaya sa tingin ko ay bumangon na rin siya.

Napalingon ako sa kaniya dahil sa kaniyang sagot at mukhang seryoso naman siya don. “Eh bakit hindi ka pa umalis dito?! May trabaho ka pa ah!” -sabi ko.

“Ikaw rin naman eh. Pareho lang tayo.”

“Mas importante ka sa company, Ethan. Kaya kumilos-kilos ka na diyan! Late ka na naman!”

“Wala naman akong meeting kaya ayos lang.” -sabi niya at sumandal sa head board ng kama.

“Kailangan ka pa rin don kahit walang meeting!” -pagpupumilit ko at hinampas-hampas siya sa braso.

“Oo na! Oo na! Kikilos na! Aray!” -daing niya habang umaatras palayo sakin at sinasangga ang paghampas ko. Pero hindi ako tumigil hangga't hindi siya nawawala sa kama ko. “Ang sadista mo talaga! Aga-aga nananakit ka! Battered husband na ako.” -sambit niya.

“Anong battered husband ang pinagsasasabi mo diyan?! Barilin kita gusto mo?!”

“Aish! Pasalamat ka mahal kita eh.” -sabi niya habang hinihimas ang kaniyang braso na napaghahampas ko. Hindi naman ako nakapag salita dahil sa kaniyang sinabi. Did he really said those words? Kagabi ko lang sinabi yon, natupad agad ngayon? Ang bilis naman. “Oh bakit natahimik ka diyan? Kinikilig ka 'no?!” -pang aasar sakin ni Ethan habang may nakakalokong ngiti sa labi.

Pinaningkitan ko siya ng mata bago kinuha ang baril sa drawer ng bed side table ko. “Hindi ka ba talaga aalis ha?!!” -sigaw ko.

“Aalis na nga eh!!” -sigaw niya rin at mabilis na lumabas ng kuwarto ko. Pero maya-maya lang din ay bumalik siya. “Ang ganda mo pa rin kahit may muta ka!” -naka ngiti niyang sambit habang nakasilip sa pinto.

Napakapa naman ako sa mata ko pero wala namang muta. At bago ko pa man siya malingon ay sumarado na ang pinto. “ETHAN!” -inis kong sigaw kasabay nang malakas na pagtawa niya mula sa labas. Buwisit talaga!.

Ibinalik ko sa drawer ang baril ko at nagtungo sa CR para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng office attire at lumabas ng kuwarto.

Nasa hagdan na ako nang maalala sina Ella na pinatulog ko sa master bedroom pero hindi na ako nag abalang bumalik para tingnan sila. Wala na rin kasi si Lemuel sa sala kaya baka naka-alis na sila o kaya nasa kusina. “Where are they?” -tanong ko kay Ethan na katatapos lang magtimpla ng kape.

“Mukhang kanina pa sila nakaalis.” -sagot niya at inilapag sa harapan ko ang isang kape.

“Ikaw nagluto? Ang bilis mo naman ata.” -sabi ko dahil nakahanda na ang pagkain sa mesa pagdating ko tapos naka-office attire na rin siya.

“Sina Ella nagluto niyan. Hayan pa nga oh, may iniwang sulat.” -tinuro niya ang isang papel na nasa gilid ko lang pala. Kinuha ko yon at binasa ang nakasulat.

Good morning, ma'am Shanaia and sir Ethan! Salamat po sa pagpapatuloy niyo samin at pag-aasikaso. Pinakialaman na namin 'tong kusina niyo para maipagluto kayo ng breakfast bilang pangbawi namin. Sana magustuhan niyo po ang niluto namin.😊

-mga buwisita...

Ibinalik ko sa mesa ang papel at humigop ng kape. Napalingon ako kay Ethan nang maramdaman ang mga titig niya sakin. “Tinitingin-tingin mo diyan?” -mataray kong tanong.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon