CHAPTER 31

23 0 0
                                    

Katulad ng plano nina Shally, nag grocery kami nina mom nang araw ng Huwebes. Yun nga lang, may naiba sa plano. Dahil ang sabi niya, kami lang tatlo. Pero bakit kasama si Ethan? Actually, wala naman sanang problema sakin pero kanina pa siya nakadikit. Hindi lang 'yon dahil panay tawag pa sakin ng 'hon'!

"Hon, doon naman tayo sa meat section." -sabi niya habang nasa listahan na ibinigay ni mom ang tingin. Dalawa kasi yung dala ni mom na listahan. Si Shally naman ang nag suggest na mag hiwalay kami. Silang dalawa ni mom ang may hawak nung isa at samin naman 'tong isa pa. Marami talagang lulutuin si mom base pa lang dito sa listahan ng bibilhin. "Bakit? May bibilhin ka pa ba dito?" -tanong niya nang hindi ako umalis sa puwesto ko at masama lang na nakatingin sa kaniya.

Maraming tao dito, Shanaia! Kumalma ka muna! Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad papaunta sa meat section. Siya naman ay itinulak na yung push cart. "Mag-uusap tayo mamaya pagdating natin sa bahay." -mahina kong sabi sa kaniya.

"Dederetso na tayong dalawa sa kompaniya pagkagaling dito." -sambit niya.

"Eh di sa kompaniya tayo mag-usap."

"May shoot pa kayong dalawa ni Ms. Quijano."

"Pagkatapos ng shoot."

"Baka gabi na 'yon matapos."

"Wala akong pake!"

"Magpahinga ka na lang."

Tumigil ako sa paglalakad at inis na tiningnan siya. "Mamaya...sa biyahe papuntang kompaniya...mag-uusap tayo. Tapos ang usapan." -sabi ko nang nagpipigil ng inis dahil baka bigla ko na lang siyang masigawan dito.

"Nag da-drive---"

"Isa pang katwiran mo, ipapasok kita sa freezer na 'to. Nauubos na pasensiya ko sayo!" -pag putol ko sa sasabihin niya. Umakto naman siyang nag zipper ng bibig na inismiran ko na lang.

Nagpatuloy kami sa pamimili na puro pagpapahaba ng pasensiya at pagpipigil ng inis ang ginawa ko. Lagi ring masama ang tingin ko sa kaniya at kung nakakamatay nga lang ang masamang tingin ay baka kanina pa siga pinaglalamayan. Pero mukhang wala lang yon kay Ethan. Patuloy pa rin siya sa pagtawag sakin ng 'hon'. Kung minsan ay hinahawakan pa ako sa kamay na agad ko ring tinatanggal. Bilang pangbawi naman ay inaapakan ko siya paa.

"O? Bakit ganiyan ka maglakad, Ethan? Anong nangyari sa paa mo?" -nag aalalang tanong ni mom. Papunta na kami ngayon sa counter.

"Ho? Ano po...kasi...natalisod po ako! Oho! Yun nga!" -sagot niya kahit ang totoo ay ilang beses ko 'yong tinapakan.

"Ganon ba?! Mag-iingat ka sa susunod." -sabi ni mom.

"Oho! Salamat!"

Nauna sina mom samin kahit magkasama naman lahat ng pinamili namin. Sisikip kasi kung pagtatabihin 'tong dalawang push cart. Pangatlo sila ni Shally at pang-apat kami. Marami ding pinamili yung nauna kaya natagalan bago natapos. Yung sumunod naman ay nagka problema sa card kaya tumagal din.

"Hon." -tawag ni Ethan sakin pero hindi ko siya pinansin. "Hon." -tawag na naman niya na hindi ko ulit pinansin. Bahala ka diyan!

Akala ko ay tumigil na siya pero bigla na lang niya akong hinigit papunta sa harapan niya. "Ano bang ginagawa mo?Tumabi ka nga!" -inis kong sabi dahil sa puwesto ko ngayon. Hindi lang kasi ako napunta sa harapan niya, nasa magkabilang gilid ko pa ang braso niya dahil nakahawak siya sa push curt. Kinulong niya ako!

"Diyan ka muna."

"Ano ka, sinu-suwerte! Tabi!" -sabi ko at pinilit alisin ang braso niya. Wala rin naman siyang nagawa at hinayaan ako.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon