CHAPTER 61

23 0 0
                                    

“Ang cute-cute niya!”

“Kamukhang-kamukha siya ni sir Ethan!”

“Siguradong guwapo 'yan paglaki!”

“At habulin ng babae!”

Kapuwa lahat kami ay natawa sa sinabing iyon ni Lemuel.

Nandito kami ngayong lahat sa labas ng nursery room at tinitingnan si Nathan...ang anak namin ni Ethan. Pare-parehong may ngiti sa labi at ang mga palad ay nakalapat sa malaking glass window. Kumakaway pa sila at nag ha-hi sa anak namin.

“Hindi na tayo mahihirapan kung kanino iiwan si Nathan kapag kinailangan nating umalis nang tayo lang dalawa.” -sabi ni Ethan sakin.

“Yeah, right! Ang dami niyang magiging nanny.” -natatawa kong biro.

Nang magising ako kanina ay nasa kuwarto ko na sina France. Hinintay nila akong magising dahil ayaw naman daw nilang mauna pa sakin sa pagtingin sa anak ko. Kaya nang payagan na ako ng doctor ay agad kaming nagpunta dito sa nursery room. At sobrang tuwa ang naramdaman ko hindi lang dahil sa nakita ko ang aking anak, kundi dahil na rin sa tuwang nakita ko sa mga mata nina France.

“Bakit parang wala siyang namana sakin?” -nagtatampo kong tanong habang nakanguso pa ang labi. Para kasing lahat ay namana niya kay Ethan.

“Hindi lang naman physical features ang namamana ng bata mula sa magulang. Malay mo, mamana niya ang ugali mo.” -sabi ni Ethan at niyakap pa ako mula sa likuran.

“Tsk! Dapat lang 'no! Dahil kapag naging babaero din siya katulad mo, pagbubuhulin ko kayong dalawa!”

“Hon, nagbago na naman ako!” -inismiran ko na lang ang sinabi ni Ethan at pinagmasdan ang aming anak. Welcome to the world, baby Nathan!

Ilang minuto pa kaming nanatili sa labas ng nursery room bago nagsibalik sa aking kuwarto. Dadalhin na lang daw si baby Nathan doon mamaya, kapag puwede na.

“Grabe! Hindi ako maka-get over sa handsome and cute face ni baby Nathan! Parang gusto ko siyang iuwi!” -nanggigigil na sambit ni France.

“Bakit hindi mo subukan nang dumeretso ka sa kulungan!” -sabi ni Ella na ikina-simangot ni France.

He tsked! “Nagbibiro lang naman ako eh!”

“At isa pa, France! Wala kang suso! Saan mo padededehin si baby Nathan kung iuuwi mo siya?” -tanong na may halong pang-aasar ni Lemuel. Mas lalo tuloy sumama ang mukha ni France.

“Tigilan niyo na nga si France.” -saway ko sa kanila na agad naman nagsi-tahimikan.

“Sorry po!” -sabi pa nila na nginitian ko na lang.

Nang magising ako kanina ay tila nasa isang party room ako dahil sa dami nilang nabungaran ko... Si France na siyang pinaka-excited na makita ang anak ko. Si Lemuel, Carille at Ella. Si Yuri kasama ang bunsong kapatid na si Yuan. Si tito Christian, mommy at Shally. Maging si Aaron na kaibigan ni Ethan ay nandito. Pero medyo ilang siya sakin dahil siguro sa ginawa nila noon na hindi naman nagtagumpay.

Hindi matawaran ang sayang nararamdaman ko sa tuwing ililibot ang paningin sa kanila. Sa tuwing nakikita ko ang kislap sa kanilang mata.

Kahit pa nga may kulang. Kahit wala dito ang taong kukumpleto sa pamilya ko. Pero sana masaya siya para sakin...samin ni Ethan.

NANG sumapit ang tanghalian ay nagpa-deliver silang lahat ng pagkain dahil ayaw daw nilang umalis sa kuwarto ko. Baka daw biglang dalhin na si baby Nathan at gusto nilang nandito sila kapag nangyari 'yon.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon