CHAPTER 52

16 1 0
                                    

Staring at each other...for how many minutes? Hindi ko na kasi alam... Hindi ko na alam kung gaano katagal na kaming naka-upo sa aming silya at kapuwa nakatingin lamang sa mata ng isa't isa. Walang nagsasalita... Naghihintayan siguro kami kung sinong unang magsasalita samin.

“Hindi ka ba magsasalita?” -tanong ko sa kaniya.

“Ikaw ang nag-ayang makipag-usap diba? Tapos aasahan mong ako ang unang magsasalita? Ikaw dapat 'yon eh.” -sabi niya at may bahid ng pagka-sarkastiko ang kaniyang boses. Malayong-malayo sa nakasanayan ko... Malayong-malayo sa Clayton na nakasama ko.

“I'm sorry.” -sambit ko.

“Just get straight to the point, Shanaia.” -walang emosyon niyang sambit.

Tumango ako at huminga ng malalim bago nagsalita. “Nagpunta kahapon sa bahay si Arie.” -sabi ko. Hinintay ko siyang magsalita o kung may sasabihin ba siya pero wala man lang nagbago sa kaniyang mukha. Nanatili pa rin iyong walang emosyon kaya muli kong ibinuka ang aking bibig at sinabi sa kaniya ang mga napag-usapan namin ni Arie sa bahay kahapon.

“Akala ko hindi ka na pupunta!” -salubong ko kay Arie matapos ko siyang pagbuksan ng pinto.

“Nangako ho ako, ma'am Shanaia.” -sambit niya.

Pinatuloy ko siya sa sala at kumuha muna ng juice sa kusina bago siya sinamahan sa sala. Inilapag ko sa center table ang juice at naupo sa tabi niya. “Nitong nakaraang buwan, si Clarkson lagi ang nagse-send sakin ng mga important documents to review. Kaya naisip kong nandito ka pa sa Pilipinas at hindi pa bumabalik sa London. But where have you been, Arie? Kino-kontak kita, hindi mo ako sinasagot. Nag-aalala lang naman ako sayo.” -litaniya ko.

Bahagya siyang napayuko. “Hindi ko deserve ang pag-aalala niyo sakin, ma'am Shanaia.”

“Arie...”

“I'm sorry po!” -sambit niya at nagulat pa ako nang bigla na lang siyang lumuhod sa aking harapan.

“Arie, what are you doing? Tumayo ka diyan!” -utos ko sa kaniya pero umiling lang siya ng umiling sakin. Sinubukan ko siyang hawakan sa braso para sana itayo pero hindi niya ako hinayaang mangyari 'yon.

“Patawarin mo ako, ma'am Shanaia! Forgive me if I betrayed you!” -nakayuko niyang sambit at rinig na rinig ko ang kaniyang paghikbi.

“You didn't, Arie.” -mahinahon kong sabi.

“I did... May nangyari samin ni sir Clayton sa unit niya at alam ko pong alam mo 'yon. And I'm sorry kasi sinira ko ang relasyon niyong dalawa. I'm sorry kung masyado akong nadala ng nararamdaman ko. Ma'am Shanaia, patawarin mo ako! Hindi ko naman gustong umabot sa ganito eh! I just......loved him.” -natigilan ako sa sinabi ni Arie. Mahal niya si Clayton? Kailan pa?

“Sa pangalawang pagkakataon, sasabihin ko sayo, Arie... You didn't...betrayed me...” - unti-unting umangat ang kaniyang mukha at lumuluhang tumingin sakin. “...Oo, alam kong may nangyari sa inyo. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon na kami ngayon ni Clayton. Kung tutuusin nga gusto ko pang magpasalamat dahil d'on eh.” -sabi ko at ngumiti. Kaya bumalatay ang pagtataka sa kaniyang mukha. “Dahil d'on, Arie...I finally realized what is my true feelings for Clayton. At kahit huli na, nalinawan pa rin ako sa nararamdaman ko.”

“M-ma'am Shanaia...”

Inabot ko ang kaniyang kamay at marahan 'yong hinawakan bago siya iginiya paupo sa tabi ko kung saan siya nakaupo kanina. “I did loved Clayton, Arie. Minahal ko siya pero mas matimbang pa rin pala yung pagmamahal ko sa kaniya bilang isang kaibigan...” -sandali akong tumigil sa pagsasalita at marahang pinisil ang kamay ni Arie bago nagpatuloy. “...You didn't betray me, Arie... Dahil bago pa man may mangyari sa inyo ni Clayton, nawala na yung kaunting pagmamahal na mayroon ako para sa kaniya. Nabulag lang talaga ako ng pangakong binitawan ko.”

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon