CHAPTER 34

24 1 0
                                    

“Aray!” -daing ko nang subukang ihakbang ang paa ko. Mabilis namang akong naalalayan ni Ethan. “Ang sakit ng paa ko.” -sambit ko at bigla na lang niya akong binuhat ng pang-bridal style. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi na ako nag protesta dahil hindi ko talaga kayang maglakad.

Buhat niya ako hanggang sa makarating kami sa kiwarto ko. Ini-upo niya ako sa kama at lumuhod sa harapan ko. Akala ko kung ano nang gagawin niya pero naramdaman ko na lang ang kaniyang kamay sa paa ko. “Sobrang sakit ba?” -nag-aalala niyang tanong at tumango na lang ako. Unti-unti niya yong minasahe at ramdam ko ang pag-iingat niya. “Kukuha lang ako ng ice bag.” -sabi niya at lumabas ng kuwarto. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang ice bag. Muli siyang lumuhod at dinampi-dampi ang ice bag sa natapilok kong paa. “Bakit kasi tumakbo ka? Hindi naman ako tumuloy sa pag-alis nang tawagin mo ako. Yan tuloy, natapilok ka pa. At paano kung hindi agad ako nakalapit sayo, eh di nadapa ka din. Magkakasugat ka pa sa tuhod mo.” -sermon niya sakin habang hawak pa din ang paa ko.

Para akong batang makulit na sinermonan niya kagabi pagdating dito sa bahay. Pero nagpapasalamat naman ako dahil hindi na masakit ang paa ko ngayon. May kirot pero kaya nang tiisin. Hindi katulad kagabi na hindi ko talaga kayang ilakad.

Maingay sa sala nang lumabas ako ng kuwarto. Nang silipin ko kung sino ang mga nandon ay agad akong napabalik sa kuwarto. Bakit nandito sina France? Mabilis akong nagpalit ng damit dahil naka-cycling lang ako. Nagpalit ako ng short na hindi ganon kaikli at oversize T-shirt. Nag-ipit na rin ako ng buhok bago lumabas ng kuwarto at bumaba sa sala.

“Good morning, ma'am!”

“Merry Christmas din po!”

Bati nila sakin at nginitian ko lang sila. Pumunta muna ako sa kusina at naabutan si Ethan na isinasalin sa isang glass ware ang niluto niya. “Good morning, hon!” -nakangiti niyang bati at lumapit sakin bago ako hinalikan sa noo. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at napatitig sa kaniya. “Kamusta pala ang paa mo? Hindi na ba masakit?” -tanong niya at wala sa sariling umiling ako. Para na akong tanga!

“Dadalhin ko na 'to sa labas.” -sabi ko na lang para makaiwas sa kaniya at binitbit yung glass ware papuntang sala.

“Hmm~... Amoy pa lang nakakatakam na!” -bulalas ni France pagkalapag ko ng glass ware sa center table.

“Ang sabihin mo, matakaw ka lang talaga!” -pang-aasar ni Carille sa kaniya.

“Bakit? Ako lang ba?!”

“Magsitigil nga kayo! Nasa harapan niyo kaya si ma'am Shanaia. Hindi na kayo nahiya.” -sita ni Lemuel sa dalawa dahilan para simulan na naman siyang asarin ni France.

“Asus ang Lemuel! Nagpapa-good shot.”

“Tigilan mo ako! Babatukan kita!”

Nagpatuloy sila sa asaran hanggang sa lumabas mula sa kusina si Ethan bitbit ang dalawa pang glass ware. “Tama na yan! Kain muna!” -sambit niya at naupo sa tabi ko.

“Salamat po, sir Ethan! Pasensiya na rin po sa biglaang pagpunta namin!” -sabi ni Ella.

“Tungkol nga pala diyan, bakit nandito kayo? No offense ha pero diba dapat nagce-celebrate kayo ng pasko with your family?” -tanong ko sa kanila. Nagtaka pa ako nang magtinginan sila na para bang nagtuturuan kung sinong sasagot.

Babawiin ko na lang sana ang tanong ko nang magsalita si Ella. “Nakasama na naman namin sila kagabi sa noche buena, ma'am. Si France naman ang sasamahan namin ngayon. At naisip naming pumunta dito sa bahay niyo.” -sagot ni Ella sa tanong ko.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon