CHAPTER 49

17 0 0
                                    

Nagising ako kinabukasan ng may kung anong nararamdaman sa aking tiyan. Para itong hinahalukay na ewan. Kaya agad akong napabalikwas ng bangon nang may maramdaman sa lalamunan na kung ano at tumakbo papunta sa CR.

Pagtungong-pagtungo ko sa toilet bowl ay agad na akong napasuka.

I flashed the toilet after vomiting. Tinungo ko naman ang sink para magmumog at mag toothbrush.

Napabuga ako ng hangin matapos magpunas ng bibig at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri bago tiningnan ang sarili sa salamin.

Ngayon ko lang napansin na may suot na pala akong damit. Did Ethan dressed me? Sa pagkaka-alala ko kasi, wala akong suot na kahit ano nang matulog na kami. Well, siguro nga binihisan niya ako. Shirt niya rin 'tong suot ko eh.

Mula sa damit ay napunta ang aking tingin sa leeg ko. The heck! Para akong kinagat-kagat ng malaking lamok sa dami ng pulang marka. And I'm sure pati dibdib ko ay meron din nito.

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Ang bawat haplos ng kaniyang kamay... Ang bawat pagdampi ng kaniyang labi sa aking balat... Ang bawat halinghing at ungol na kumakawala sa aking bibig... Ang pag-iisa ng katawan naming dalawa.

Iyon ang pangalawang beses na nagtalik kami. Ang una ay noong new year's eve. Pero lasing kami n'on pareho kaya hindi ko masyado maalala ang nangyari. Ganon man, hindi ko iyon pinagsisihan. We're a married couple after all. Though, we're still not on the same page but I'll get there.

Naghilamos muna ako ng mukha bago lumabas ng CR. Naupo ako sa harapan ng vanity mirror at kinuha ang concealer para takpan ang hickeys sa leeg ko. Kahit hindi naman ako lalabas ng bahay at wala rin naman akong kasama dito. Pero gusto ko pa ring takpan.

Pagkatapos ay tumayo na ako para lumabas at hindi na nag abala pang magtali ng buhok.

Pero bago ko pa man buksan ang pinto ay nakita ko ang isang sticky note na nakadikit malapit sa door knob. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.

Good morning, hon! How's your sleep?
Sorry kung hindi na kita ginising.
I know you're tired and you need some rest.
Nagluto na ako ng umagahan mo.
Initin mo na lang kapag kakain ka na!
I love you!!!
          - your husband

I smiled with that simple note he left for me.

Itinupi ko muna 'yon at inilapag sa vanity table bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Lagpas ng alas dose kaya talagang malamig na ang pagkaing niluto ni Ethan. Tanghalian na rin ang kinalabasan at hindi almusal.

Habang iniinit ang pagkain ay kumuha ako ng gatas sa ref. Tanghali na kaya ayoko na ng kape. Medyo mainit pa naman ang panahon ngayon.

At habang nagsasalin ng gatas sa baso ay napansin ko ang expiration date nito. “December 2022.” -kaya naman pala ako nasuka. Uminom ako ng expired na gatas kagabi. Shit lang!

Buti na lang pala hindi ako mahilig uminom ng gatas. Naisipan ko lang talaga kagabi uminom bago matulog. Hindi ko naman agad napansin na expired na pala.

Itinapon ko sa lababo ang naisalin kong gatas sa baso maging ang nasa lagayan bago itinapon sa basurahan ang lalagyan.

Ang ending tuloy, juice na lang ang naging inumin ko.

Nagsimula agad akong kumain matapos initin lahat ng pagkain dahil ramdam na ramdam ko na talaga ang gutom. At kahit ng maubos ko ang pagkain ay parang gutom pa rin ako. Pero hindi na ako nagluto pa at hinugasan na ang pinagkainan ko.

Pagkatapos ay kumuha ako ng chocolate bar sa ref at lumabas ng kusina. Ito na lang ang kakainin ko!

Hahakbang na sana ako sa hagdan nang biglang tumunog ang doorbell. See? An unexpected visitor. Buti na lang talaga naglagay ako ng concealer.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon