CHAPTER 3

57 2 0
                                    

KYLER EZEKIEL

“Puwede ba?! Mamaya ka na lang mangulit! May ginagawa ako!” -inis kong sambit at ini-end ang call. Pinatay ko pa ang cellphone ko para hindi na siya makapangulit at inilagay sa bulsa ng jeans na suot ko. Buwisit na lalaking yon! Alam nang matagal na akong tigil sa pambababae, inaaya na naman ako!.

“Sir, 15 000 po.” -sabi ng cashier at iniabot ko sa kaniya ang card ko. Pagkatapos mag bayad ay lumabas na ako ng boutique. Mag dedere-deretso sana ako sa paglalakad nang makita ko kung sinong makakasalubong ko.

Parang huminto ang pag galaw sa paligid ko nang mag tagpo ang mata naming dalawa. Naka-tayo lang siya, di kalayuan sakin katabi ang kapatid niya. Seryoso ang mukha at walang emosyon ang mata. Inayos ko ang sarili ko at lumapit sa kaniya. “You're back.” -sambit ko at ngumiti pero walang nagbago sa seryoso niyang mukha. At aaminin ko, nasasaktan ako sa paraan niya ng pag tingin sakin. Iba kasi ang ine-expect ko sa kung anong nangyayari ngayon. Inaasahan ko na katulad pa rin siya ng dati. Inaasahan kong walang magbabago sa kaniya kahit tatlong taon na ang lumipas. Pero nagkamali ako. Iba na siya. Nagbago na siya. At nasasaktan ako dahil don. “K-kailan ka pa nakabalik?” -tanong ko habang pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman ko.

“Lets just talk some other time. I am now busy with my sister.” -she said in a cold tone. Napa-tango na lang ako kahit nilagpasan na niya ako at naglakad palayo. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa pumasok sila sa isang shop. Gusto ko pa sana siyang sundan pero baka maka-abala lang ako sa bonding time nila ni Shally. At baka magalit na rin sakin si Claire kaya kahit ayaw ko, umalis na ako sa mall at umuwi ng bahay.

Katulad ng inaasahan, naka-busangot ang mukha ni Claire nang dumating ako sa bahay. “Hay naku, kuya! Sa wakas naman at dumating ka na din! Isang dress lang yung pinabili ko sayo pero ilang oras ang tinagal mo sa mall! Yung totoo, nakipag landian ka pa sa mga sales lady 'no?” -sermon niya sakin. Akala mo naman siya si mommy kung maka-asta.

“Sana kasi sumama ka para hindi ako nagtagal kakapili ng dress na gusto mo! Tsk! Ikaw na nga 'tong binilhan, ikaw pa galit. Alam mo bang 15 000 ang halaga niyan!” -panenermon ko din. Anong akala niya, siya lang may karapatang manermon. Pabato kong ibinigay sa kaniya ang paper bag kung saan nakalagay ang dress na binili ko.

Inilabas niya sa paper bag ang dress at tinitigan yon na para bang sinusuri kung maganda o hindi. “Nami-miss ko na talaga si ate Shanaia.” -sambit niya bigla at kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa dress. “Naaalala mo noon, kuya. Pinapagalitan ako ni ate Shanaia pag nabili ako ng ganitong dress. Kasi masyado daw revealing at bata pa ako para mag suot ng mga ganito.” -peke siyang natawa at ibinalik sa paper bag ang dress bago tumingin sakin. “Kaso ikaw kuya eh. Niloko mo siya. Napaka-babaero mo kasi.” -gusto kong magalit sa sinabi niya pero totoo naman eh. Kasalanan ko. Niloko ko siya.

“Kaya nga nagbago na ako, Claire diba?. Tumigil na ako sa pam-bababae ko.” -sambit ko at iiwanan na sana siya sa sala pero agad din akong huminto sa paglalakad nang magsalita siya.

“Nagbago ka kasi iniwanan ka na niya. Tumigil ka kasi alam mo sa sarili mo na si ate Shanaia lang ang makapag-papasaya sayo ng totoo.  At dun mo lang na -realize lahat ng maling ginawa mo, nang mawala sila sayo.” -she seriously said.

Hindi na ako nagsalita at tumaas na lang sa kuwarto ko. Ni-lock ko ang pinto bago kumuha ng beer in can sa aking mini ref dito sa kuwarto. Binuksan ko 'yon at lumagok ng beer bago naupo sa gilid ng kama. Inilapag ko sa bed side table ang beer at dinampot ang picture frame na naka-display don. It was our picture way back 2017.

“It's been three years.” -muling nanariwa sakin lahat ng nangyari tatlong taon na ang nakakalipas. Sa airport. Ang pag iyak naming dalawa habang nagmamaka-awa ako sa kaniya. Ang pag-iwan niya sakin. Ang tuluyang pagka-guho ng mundo ko.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon