CHAPTER 44

20 0 0
                                    

“Gusto ni dad na bitawan mo ang pagiging CFO kapalit ng pag-i-stay ni Ms. Quijano sa E&G bilang endorser ng Parker.” -seryosong sabi ni Ethan.

Napataas ako ng isang kilay dahil don at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. “In what reason? Bakit kailangan ko pang mag quit bilang CFO?” -tanong ko dahil wala akong maisip na magandang dahilan para pagbitawin niya ako sa aking posisyon.

“I don't know, hon. Yan lang ang sinabi niya sakin. But I swear, sinubukan kong baguhin ang desisyon ni dad pero desidido na talaga siya eh. I'm sorry.” -sambit niya bago napayuko.

“Why say sorry? Wala ka namang kinalaman sa desisyon ng ama mo. At tsaka isa pa, ayos lang naman sakin eh. I can quit my position para kay Jhade. But I need a reason. Kahit isa lang.” -sabi ko.

“May naiisip ka ba?” -tanong niya.

“Yun nga ang problema eh. Wala akong maisip.” -sagot ko at napasandal na lang sa back rest ng sofa. Kahit ata araw-araw akong mag-isip kung anong dahilan ng ama niya para pagbitawin ako sa aking posisyon ay wala akong maiisip kahit isa. Wala naman kasi akong ginagawa na puwedeng maging dahilan eh. Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko.

“Baka si Ms. Quijano talaga ang gusto niyang mawala sa kompaniya.” -sambit ni Ethan kaya napatingin ako sa kaniya. “Baka ayaw na ni dad na maulit yung nangyaring issue kaya gusto na niyang i-terminate ang kontrata kay Ms. Quijano. Pero dahil hindi tayo sang-ayon, umisip siya ng ibang paraan.” -dugtong niya.

“At iyon ay ang pagbitawin ako?”

“Ahuh! Akala siguro ni dad ay mas pipiliin mo ang iyong pagiging CFO kaysa kay Ms. Quijano.” -sagot niya na ikinataas ng isang kilay ko.

“Puwes d'on siya nagkakamali! Dahil mas importante sakin si Jhade. But to be honest, gusto ko ring ma-terminate na ang kontrata kay Jhade dahil sa ama mo. Pero hindi iyon ang gusto niya. Masaya siya sa pagiging endorser ng Parker. At handa akong suportahan siya. So, I'm going to quit if that's what your father wants... I'll prove him wrong.” -seryoso kong sabi.

“Hon~.” -tila hindi sang-ayon si Ethan sa desisyon ko.

“It's okay, Ethan. Wala namang kaso sakin yon. Hindi ko rin naman pinaghirapan ang posisyon na yon.” -sabi ko. Wala siyang sinabi at yumuko na lamang. “Sinong papalit sakin?” -tanong ko.

“Ako.”

“Bakit ikaw?— I mean, CEO ka diba?” -naguguluhan kong tanong.

“Oo nga. Temporary CEO.” -pagkasabi non ay umiwas siya ng tingin sakin.

“What do you mean? Ikaw ang may pinaka malaking share sa kompaniya.” -sabi ko pero ngumiti lang siya.

“Hiram ko lang yon. Ipinahiram lang sakin.” -hindi man nakatingin sakin ay bakas ko ang lungkot sa kaniyang boses na kahit ako ay nadadala n'on. “Nang mamatay si lolo, ibinigay niya sakin yung 30% shares. Pero saglit lang yon nanatili sa pangalan ko... Dad made me put all my shares in his name.” -this time, lumingon siya sakin. “Funny, right?. Sakin 'yon eh...tapos ang ending ako yung nanghiram.” -sambit niya. I can't say any word to at least comfort him so I just pull him into a tight hug. I caress his back as I heard him sniffed. “I'm sorry, hon... Sorry kung ang hina-hina ng asawa mo. Kahit yung panatilihin kayong dalawa ni Ms. Quijano sa kompaniya ay hindi ko magawa. Kasalanan ko 'to.”

“It's not.”

“It is... Because I let my father control me. I let him dictate what should I do. Kung sana hindi ako pumayag sa gusto niya...kung sana hindi ko binigay sa kaniya yung shares ko...Ako sana talaga ang CEO at magagawa kong panatilihin kayong pareho sa kompaniya. Pero ang duwag ko eh. Hinayaan ko lang siya na gawin akong puppet.”

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon