Chapter 28

47 0 1
                                    

SOMEONE'S POV

"ANONG GINAWA MO?" Sigaw ng sumusugod na siraulo sa akin.

Hindi ko siya nililingon. Patuloy ang paginom ko ng vodka habang naka upo sa bar area ng bahay ko. 

Tss. 

"Wag kang dirediretso sa bahay ko!" Sigaw ko dito.

"Cut the bullsh*t! Bakit mo ginawa yun?!" Still, hindi ko pa rin siya tinitignan. Patuloy ako sa pag inom. Naiirita lang ako sa boses niya.

"Ginawa ko lang naman yung bagay na hindi mo kayang gawin." Bagot na bagot kong sagot. 

"Gago ka pala eh! Paano kung napahamak ang kapatid ko?! Nandun ang kapatid ko!" 

Hindi ko napigilan ang inis ko. Inihagis ko ang basong hawak ko sa salamin na nasa harap ko. 

"PWES PAGSABIHAN MO ANG KAPATID MO NA PILIIN ANG MGA BABARKADAHIN NIYA PARA HINDI SIYA MAPAHAMAK!" 

Nanlilisik ang mga mata niyang nakipagtitigan sa akin. Hindi ako nagpatinag pero iba ang aura niya. Parang anytime ay papatay ang itsura niya. 

"Ito na ang huling beses na madadamay ang kapatid ko sa kabobohan mo. Pagsisisihan mo kapag naulit ito!" 

Naglakad ito palayo at tsaka ibinagsak ng malakas ang pinto.

Hindi ako magdadalawang isip na idamay ka kapag naging sagabal ka sa plano ko.


DANE'S POV

Dumiretso na kami agad pauwi sa hotel matapos magbigay ng statements yung mga involve sa insidente. Lutang si Ali. Halatang masyadong maraming iniisip. 

"Nak, kain na." Aya ni Mama Mae sa amin. 

"Papahinga lang kami saglit Ma." pagod na pagod na sagot ni Ali. 

"Si Blaze?" Tanong nito habang naghuhugas ng kamay. 

"Tulog na anak. Andun na sa kwarto niyo." Ngumiti si Mama sa amin. 

"Thank you, Ma." Lumapit ako dito at tsaka yumakap. Si Ali naman ay dumiretso sa kwarto para silipin ang anak namin.

"Babe? Are you okay? Kanina mo pa ako hindi kinikibo." Nagaalala kong tanong sa kanya. Masyado kasi siyang seryoso. Natatakot ako kapag may mga iniisip siya e. Minsan kasi hindi maganda ang mga nagiging desisyon niya. Mamaya mabaliw 'to at isipin na naman na alisan ako e. 

Lumapit siya sa akin at yumakap. "Sorry babe. May mga iniisip lang." Bumuntong hininga siya.

Hinalikan ko siya sa noo. "Babe, wag ka masyado magisip. Yung puso mo... hindi pa natin alam ang problema niyan." 

Sa totoo lang... walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang kalagayan ni Ali. Natatakot ako sa mga malalaman niya at magiging reaksyon niya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Natatakot ako na mawala sa akin ang asawa ko. Iniisip ko pa lang na mapapahamak siya ay hindi ko na kaya... sumasakit ang dibdib ko. 

"After all of these Dane... magpapa check up ako." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha? Bakit pagtapos pa nito? Bakit hindi mo unahin ang health mo, babe?" Kumalas siya ng yakap sa akin matapos ko yun sabihin.

"Dane.. pagtapos nito." Kalmado ang kanyang tono pero alam na alam mong kumokontra na naman siya sa akin.

"Hindi. Magpapa check up ka bukas." Wala akong planong makipagtalo sayo, pero eto ang tama.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon