Ali's POV
Nagising ako na puro puti yung nakikita ko. Lord, nasa langit na ba ako? Nakita ko si Mama sa tabi ko. May kausap na doctor. Umiiyak pa si Mama, sa sobrang bigat ng pakiramdam ko pumikit ako ulit. Kaya akala ni Mama tulog pa ako.
"Naaksidente si Alissandra. Andito kami ngayon sa Makati Med. Jusko, hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pambayad" humahagulgol si Mama. Sino ang kausap ni Mama? Dinilat ko na ulit ang mga mata ko.
"Ma?" Sinubukan kong magsalita pero nanghihina na talaga ako.
"Anak, okay ka na ba? Gusto mong tumawag ako ng doctor?" Umiling iling na lang ako.
"Mama, ano pong nangyari?" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mama. "Paano po ako nakarating dito?" Pinipilit kong alalahanin lahat.
Hindi ko napigilan umiyak nang malaman ko yung dahilan kung bakit ako nandito.
FLASHBACK <<<<
Pinagpapawisan yung mga kamay ko. Is it because of what happened last time or talagang may kakaiba sa aura ni Ken ngayon? Hindi niya ako tinitignan. Hindi niya rin ako kinikibo. Hindi ko alam pero parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
Hindi ko na kaya yung nerbyos na nararamdaman ko kaya binasag ko na yung salamin ng katahimikan na namamagitan samin dalawa.
"Ano bang paguusapan natin?" Pinilit kong magmukhang normal pero ang totoo, nagiinit na ng pwet ko sa kaba.
Matagal siya bago sumagot, pero hindi ko inaasahan yung isasagot niya.
"I'm breaking up with you." Walang ka emo-emosyon niyang sabi. Napa-awang ang bibig ko. Parang tumigil pa ng ilang segundo yung oras nung narinig ko yun.
"What? Wh-w-what do you mean?" Stuttering huh. Tss.
"Oh God Sandy, you know what I mean." Ilang beses akong lumunok para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Masakit... Yes! Alam ko na humingi ako ng distansya sakanya but I didn't know na eto pala ang kahihinatnan. Is it bad to decide something that will help us to be stronger? Parang gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa sobrang pag iinarte ko.
"Ayaw na kitang saktan." This time, may lungkot sa boses niya. Guilt, pagsisisi. Hindi ko siya maintindihan.
"Hindi ko na kaya na makitang kang nagsa-suffer dahil sa mga nagawa ko." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Tang*na.
"Pero hindi ako nakikipaghiwalay sayo." Hindi makapaniwala kong sagot sa kanya.
"I know. Kaya nga ako na lang gumawa."
"Pero paano ako? Sabi mo ayaw mo na akong makitang nasasaktan." Humikbi ako. "Sobra sobra mo na akong sinasaktan." Napatakip ako ng mukha. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
"Wag na natin pahirapan ang isa't isa." walang gana niyang sagot.
Hindi na ako nagsalita. Binuksan ko na ang pinto ng kotse niya at nagsimulang tumakbo.
Tumakbo ako ng tumakbo palayo sakanya. Naririnig ko pa siyang sumisigaw at hinahabol ako.
Isang malakas na kalabog ang narinig ko noong tumawid ako sa kalsada.
"Sandy! Shit! Hey hey! Wag kang pipikit" bahagyang sinasampal ni Ken yung mukha ko. Narinig ko pa ang huli niyang sinabi bago ako tuluyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomansaMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...