Bawal sa tigang. Hephephep. Not allowed for minors hahahaha.
DANE'S POV
Siniil ko siya ng halik para tumigil ang bibig niya. Masyado ng maingay.
"A-ano bang ginagawa mo?" galit na galit ang tingin niya sakin.
Hahaha. Gusto kong matawa dahil galit-galitan siya.
"Hindi mo ba kako narinig ang sinabi ng mga kameeting natin kanina?" Bulong ko sa kanya habang magkalapit ang mukha namin.
"Wala akong asawa, gaya ng sabi nila. Hindi mo na ako kailangan angkinin dahil iyong iyo ako." dinilaan ko ang tenga niya. Nagdulot ito ng kakaibang sensasyon sa akin.
Ilang taon... Ilang taon na ang lumipas ng huli kong maramdaman ang kakaibang tibok ng puso ko na tanging siya lang ang nakakagawa.
Lumayo ako ng kaunti sa kanya. "Hindi kita maalis sa sistema ko. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang laman nito." tinuro ko ang dibdib ko.
Masakit sa akin sa tuwing ipaparamdam niya sa akin na isa lang ako pampalipas oras. Nung naghalikan kami sa vanity... ramdam ko na mahal niya pa rin ako sa paraan ng paghalik niya. Pumikit ako noon dahil nahihirapan akong nakikitang umiiyak siya.
"Tell me Ali... Do you still love me?" Wala sa sarili kong tanong.
Nanatili siyang nakatitig sa akin.
"Tss. Dane, wag na tayo maglokohan dito. Libog lang yan." Tinabig niya ako at naupo siya ng maayos. Tumayo ako sa pagkakaluhod. This girl is unbelievable. Nasasaktan ako sa tuwing sinasabihan niya ako ng ganyan.
Kung ano man ang nangyari sa amin noon at hanggang ngayon yun. Hindi yun lust! Pagmamahal yun! Tch.
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ako makapaniwal sa sinasabi niya ngayon. Grabe 'tong babaeng to.
"Oh bakit? Hindi ba't yun lang naman ang habol mo sa akin? Kaya mo nga ako iniwanan dahil nakuha mo na ko." Nakakaloko siyang tumawa. Inihagis ko ang remote ng tv sa pader dahilan para masira ito.
Natigilan siya. "Putangina!" Wala sa sarili kong sabi. Ang sakit kimkimin ng galit ko.
"Hindi yun ganon Ali! Ganoon ba kababa ang tingin mo sakin?" Nagsisimula na akong magtaas ng boses.
Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, napapabago niya ang ekspresyon ng mukha niya. Nawala ang saya na nararamdaman ko kanina... muli siyang naging seryoso bago sumagot.
"Oo..." Napatigil ako at nilingon siya. "Kasing baba ng tingin mo sa akin."
Isang malaking sampal yun sa akin.
"Alam mo Dane, hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kapal ng mukha na humarap at kausapin ako na parang wala kang ginawa sa akin. Ano? Ikaw na naman ang biktima dito? Gago!" Singhal niya.
Punong puno ng sarcasm, poot, galit... hindi ko alam kung paano niya napaghalo halo ang mga yan
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Bakit grabe ka makitungo sa akin?" Halos maiyak ako sa sinabi ko.
"Tarantado ka talaga noh?" Di niya makapaniwalang tanong.
"Ikaw nagtulak sa akin maging ganito. Dahil sa mga paniniwala mong baluktot, naging GANITO AKO!" Madiin ang pagkakabigkas niya sa huling salita.
"I'm sorry..." yan na lang ang nasabi ko. Punong puno ng emosyon ang kwartong ito. Hindi ko alam pero naghahalo ang galit at ang sakit. Maling mali ako noon... na paniwalaan ang mga bagay ng hindi ko man lang hiningi ang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...