Chapter 51

111 0 7
                                    

Note: may mga gram errors pero wala na time proofread and i-correct. Kayo na lang umintindi HAHAHA. SORRY sa mga typos. HAHAHA. SALAMAT SA PAG INTINDI ❤️

DANE'S POV

Nagising ako sa lakas ng sampal ni Blaze sa mukha ko. Naknang... nakuha ugali ng Nanay niya na maingay na nga mang gising, nananakit pa. Minsan binabato pa ako niyan ni Ali ng kung anu-ano pag hindi ako nagigising sa tawag niya.

Paano siya, tapikin mo lang gising na agad. Daig pa manok eh. Umungot lang si Blaze didilat na. Humikbi lang si Breeze didilat na. Tumayo nga lang ako sa kama dumidilat na yan eh. Tapos babalik na lang ulit sa tulog.

Minsan iniisip ko nagtutulog tulogan lang 'tong asawa ko eh.

"Daddy!" Tili niya. Dinilat ko ang isang mata ko para silipin siya. Nakaluhod siya tapos dinudungaw ako habang nakadapa akong natutulog.

Pumikit ako ulit. Antok pa ako anak. Hindi ko nga sure kung nasabi ko ba sa kanya o sa isip ko lang sa sobrang gusto ko pang matulog.

"Daaaaaddyyyy!" Muli niyang sigaw sa akin kaya dinilat ko ulit ang mata ko. Sinilip ko wrist watch ko. 12 na ng tanghali.

Pucha... alas dose na pero antok na antok pa rin ako. Sa sobrang antok ko hindi ko matanong kung bakit niya ako ginigising.

"Daddy, whersh mama?" Naiiyak niyang tanong. "Away daddy and mama? Alis ulit Mama?" Narinig ko ang sobrang pagaalala sa boses ni Blaze, napabalikwas ako ng tayo.

Wala si Ali at Breeze. Nawala ang antok ko.

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya.

Calling My Wife...

"Hello? Nasan ka?!" Bulyaw ko rito pag sagot niya ng call ko.

[Ang OA mo.] natatawa niyang sagot sa kabilang linya.

"Sumagot ka na lang ng maayos! Nasan ka ba!!!" Hindi ko maiwasan ang mataranta ng sobra kaya napapasigaw na lang ako eh.

[Nandito lang sa tabi tabi.] matamlay niyang sagot. Naririnig ko pa ang pagiyak ni Breeze sa kabilang linya.

Hindi ko in-end yung call. Binuhat ko si Blaze at lumabas na ng kwarto kahit hindi pa ako nagti-tshirt. Mabilis akong bumaba buhat buhat si Blaze.

"Ma! Nasan si Ali?" Sigaw kong tanong sa Mommy ko. Kumunot ang noo ni Mommy.

"Wala ba sa kwarto niyo? Hindi ko napansin." Bumalik si Mommy sa paghahanda ng kakainin kaya lalo akong nainis.

"Wala dun! Wala din si Breeze! Nasan sila Mommy?!"

Sa di inaasahan... nagsalita si Mommy na sobrang ikinakaba ko.

"Baka nilayasan ka na... patulog tulog ka kasi." Sabi niya na parang walang pakielam sa kung ano pwede kong maramdaman. Napaka insensitive!

"My!!! Wag naman ganyan..." parang maiiyak kong sabi sa Mommy ko habang buhat si Blaze.

Hindi nagustuhan ng Daddy ko ang narinig niya mula sa akin. Binaba niya ang tasa ng kape na iniinom niya.

"Bakit? Ano na naman ba ginawa mo sa asawa mo para isipin mo na nilayasan ka niya?" Galit na tanong niya sa akin.

"Nahuli ka na naman bang nambababae? Di ka na nagbago anak. Lolokohin mo yung tao tapos takot kang iwanan ka." Nanenermon niyang sabi sa akin.

Ano ba sinasabi nito? Bahala nga siya diyan!

"MAAAA MAAAA!!!" Napalingon ako sa likuran ko ng biglang sumigaw si Blaze.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon