ALI'S POV
Nagpapalipas ako ng oras, malapit na kasi maguwian. Kakabagot! Wala naman masyadong ginagawa. Sinend ko sa field si Gavin, para samahan ang Daddy niya mangampanya. Text din ng text. Hindi sigurado sa mga gagawin niya. Parang siya daw ang natakbong Mayor, lahat daw sa kanya nagpapa-picture. Hahaha.
Si Chino panay ang kamusta sa akin. Maloko talaga ang isang yun. Alam niya siguro ang pinagdadaanan ko, dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi ang patawanin ako. Kahit sa text lang, nai-imagine ko ang pangasar niyang mukha.
Sms from Chino Salvacion: Sandy, okay na yung tocino?
Huh? Anong sinasabi nito?
Sms to Chino Salvacion: Anong sinasabi mo? Baliw ka na.
Sms from Chino Salvacion: yung mga tocino mo sa braso hahahahaha!!! Bakit ka kasi nanghuhuli ng isda sa lupa? Sa dagat yun kasi. :D :D :D
Aba! Siraulo 'to ah. Napaka tarantado.
Sms to Chino Salvacion: SIRAULO!
Nakaharap ako ngayon sa bintana... masyadong maraming iniisip. Kahit puro building ang nakikita ko ay parang tumatagos yung mga paningin ko sa mga ito. Hahaha.
"Susunduin ka ba ni Dane?" Tanong ni Kenzo na pasok lang ng pasok sa office ko. Feeling niya kasi office na rin niya 'to.
Yung kalat sa lounge ko puro kanya. Tss. Dito na rin kumakain. Wala ba 'tong sariling opisina? Dito palagi nang gugulo. Umirap ako sa hangin. Di naman niya nakikita kasi nakatalikod pa ako sa kanya.
Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam kung susunduin ba niya ako.
Naramdaman ko ang paglapit ni Kenzo sa akin. "Okay ka lang? Kumain ka na ba?" Anong tanong ba yan, okay lang ako? Tss. Nilihis ko ang direksyon ng ulo ko. Di lang sumagot agad di na agad okay? Tss.
"Wala akong gana." matamlay kong sagot.
Lumuhod si Kenzo at iniharap ako sa kanya. "You can't be like that forever." Malungkot niyang sabi sa akin.
"Gusto kong puntahan si Dane. Samahan mo ko. Kung hindi niya ako masundo edi ako ang susundo sa kanya." Ngumiti ako para makumbinsi si Kenzo na samahan ako. Pakiramdam ko hindi papayag 'to kaya dumaldal na naman ako.
"Ayokong i-give up yung relasyon namin. Baka nag o-overthink lang ako. Malay mo, sa client meeting pala siya galing. Nagkataon lang yung picture kaya ganun."
Ngumuso ako. Si Ken ay nananatiling nakatingin sa akin at tsaka nagtanong.
"Why don't you ask him tungkol sa nakita mo?" Hinawakan ni Ken ang kamay ko.
"Natatakot ako Ken e." yumuko ako. Ang kaninang isang kamay na hawak ni Ken ngayon ay dalawa na.
"Natatakot ka saan? Natatakot ka na magkaron kayo ng pagtatalo pag tinanong mo siya?" Tinignan ko si Ken.
Oo, baka lumala lang yung gap namin. Wait, may gap ba? O ako na naman lang ang nagiisip non?
Saan nga ba ako natatakot? Bakit ba hindi ko siya matanong tungkol sa mga nalaman ko? Bakit ba parang pinanghinaan ako ng loob? Ano bang kinakatakot ko? Kinginang yan.
Muling nagsalita si Kenzo. "O natatakot kang malaman na totoo lahat ang iniisip mo?" Napasinghap ako sa sinabi niya.
Hindi... Umiling ako sa kanya. "Hindi, natatakot akong marinig ang kasinungalingan niya."
Umismid si Ken. "Hindi Sandy... You are afraid that he might tell you the truth. Kaya hindi mo siya ma-confront dahil natatakot kang baka magsabi siya ng totoo, because you are hoping na magsinungaling na lang siya dahil ikaw na lang naniniwala na nagbago si Dane. Na hindi niya yun magagawa sayo."
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomantizmMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...