ALI'S POV
"What's wrong? Why are you crying?" Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagaalala. Muli niyang pinindot ang lock button ng remote ng kotse niya at binuksan ang pinto ng bahay niya para papasukin ako.
"Aalis ka ba?" Tanong ko sa kanya pero hindi pa siya sumasagot ay muli na akong nagsalita,
"Sige, aalis na rin ako. Sorry. Wala lang akong ibang mapuntahan." Paliwanag ko sa kanya. Sa itsura niya kasi, mukhang may pupuntahan siya.
"No. No. I can leave later naman. Halika, pumasok ka muna." tumalikod siya at nagsimulang maglakad papasok ng bahay nila.
Hindi ko napigilan ang sarili ko, hinatak ko ang braso niya at niyakap siya at dun sa dibdib niya pinili kong umiyak at muling inalala kung paano lahat 'to nagsimula.
====== FEW MONTHS AGO ======= [A/N: Nawala na ako sa timeline kaya few mos ago na lang :D]
Magdadalawang buwan na rin simula nung umalis ako sa bahay nila Dane. Sa totoo lang... inaantay ko na bisitahin niya ako dito. Alam naman siguro niya na pumapasok ako sa opisina. Kung talagang gusto niya akong makita, bakit hindi niya ako puntahan? Alam naman niya kung saan ang office ko. Ni pa flowers wala! Tss. Oo na, sige na. Ako na ang Hopia. Umaasa talaga ako at araw araw na naghihintay na sana, puntahan niya ako. Kaso wala...
Minsan, iniisip ko talaga kung hinahanap ba niya ako o talagang kinakaya niya na wala na ako sa buhay niya. Sabagay, mas malayang malaya na siya ngayon. SILANG DALAWA ng KABIT niya.
Mag-isa akong nakaupo sa opisina ko. Iniisip kung may chance pa ba kami. Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko kung ako na lang ba ang umaasa.
Kasalukuyan akong nakatulala sa bintana kung saan puro building naman ang nakikita ko ng pumasok si Blake.
"Ali, Gavin can't make it tomorrow. Nilalagnat daw siya." Natatawa pa siya habang sinasabi ang huling salita na para bang hindi siya naniniwala sa dahilan nito.
Nagalala ako kay Gavin. 3 months from now, Local Election na. Sana naman magbunga ang lahat ng hirap namin para manalo si Cong. Alameda sa pagka Mayor.
Bumuntong hininga ako. "Send someone na lang sa field bukas. Pagpahingahin mo yung pinsan mo, baka mapano yun. Kargo de konsensya ko pa."
Narinig ko ang footsteps niya palapit sa akin. Naramdaman ko na lang na nakaluhod na siya sa tabi ko at nakatanghod sa mukha ko.
Tinignan ko siya ng what-look. Problema nito?
"Bakit parang ang bigat bigat ng pakiramdam mo?" Alalang tanong niya.
"Paano mo nasabi?" Tanong ko pabalik ng hindi tumitingin sa kanya.
Hindi siya sumagot kaya muli akong nagsalita. "Nabuhat mo ba?"
Gusto kong matawa sa sobrang lito na makikita mo sa reaksyon niya.
"What are you talking about?" He asked while laughing.
"Sabi mo mabigat, nabuhat mo ba?" Lumingon ako sa kanya. Hindi niya napigilan ang emosyon niya at sobrang tumawa, muli kong binalik ang paningin ko sa bintana.
"Wtf! I didn't know that you are this CORNY!" Pinandiinan niya sa tenga ko ang salitang corny na halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya kaya nilingon ko siya.
Sa hindi inaasahan...
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...