Chapter 36

94 1 1
                                    

DANE'S POV

Nakatulog si Ali sa mga braso ko habang yakap yakap ko siya. Ako naman ay hindi masyado nakapagpahinga sa kakabantay sa kanilang dalawa. May oras kasi na iiyak si Blaze para dumede. Ayoko naman istorbohin si Ali para makapagpahinga siya ng maayos.

I am really hoping and wishing so much that she comes back... I really want us to fix this and be a family again.

I woke up without her beside me. I took a glance on Blaze who's still sleeping. Hindi ko na siya inilipat sa kama dahil baka malaglag, lalabas kasi ako para hanapin ang nanay niya,

Hindi pa ako lumalabas ng kwarto ay naririnig ko na si Ali na may kausap sa video call. Hindi naman kalakihan yung bahay nila kaya kapag binuksan ko ang pinto ay matatanaw ko agad ang sala at ang kanilang dining area. Nasa likod ang kanilang kitchen, sa may ilalim ng hagdanan banda kung saan katabi nun ay yung CR.  --

Maingat kong binuksan ang pinto... I want to know kung sino ang kausap niya. Hindi ako lumabas, binuksan ko lang ang pinto so I could hear them clearly.

It looks like she is cooking. Naririnig ko pa kasi mga tilansik ng mantika.

"He's not here. Nasa conference." sagot niya sa kausap niya na batid kong hinahanap si Kenzo.

"Bakit hindi ka sumama?" I could barely recognize that voice. I just can't remember kung sino yun.

"Ha? Eh diba hindi mo ako pinayagan?" I can imagine my WIFE's face while saying that.

Sino naman yang lalaking kausap mo para hindi ka niya payagan? Gusto ko ng lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit parang naduwag ako, para akong nasemento sa kinatatayuan ko.

Tumawa yung lalake sa kabilang linya. "Ang cute mo magtaray. You should have told me na you wanted to come, pwede naman. Sana naayos ko."

Damn! Bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko? Kinakabahan ako. Sobrang familiar ng boses na yan sa akin.

Ayokong maghinala pero may kakaiba sa way ng paguusap nila. Mukhang mag-iimbestiga ako nito. Hindi ko kakayanin 'to babe. Please sana praning lang ako.

Dahan-dahan ko ulit sinara ang pinto at kunwaring binuksan ito, to check if she will drop the call. The moment she heard the door opened, she did. Nalungkot ako.

Tinandaan ko na lang yung oras ngayon, I'm sure hindi ko yan machecheck agad kaya mamaya na lang.

"Oh? Gising ka na? Aga naman." Tinignan niya ang smartwatch niya. 8 AM pa lang kasi. Parehas kaming hindi papasok muna sa trabaho. Ganoon naman kami, we can choose to go to work or not to. Yun ang privilege namin ngayon.

"Yeah, ikaw? Bat ang aga mo nagising?" I tried to act normal. Ayokong mag-away kami. Since we are slowly trying to fix things between us.

"Body clock na. Si Blaze?" She asked while preparing the dishes. Nagluto siya ng fried rice at ng tapa with egg. Alam niya pa rin kung ano ang gusto kong breakfast.

"Still sleeping." Hinatak ko siya pakandong sa akin ng mailapag niya lahat sa mesa ang pagkain.

"Dane, ang baho ko. Amoy ulam ko." Natatawa niyang kontra. Hindi ko na siya pinansin at niyakap ng mahigpit.

"Babe, punta tayo sa bahay. Let's spend the night there. Para naman makita nila si Blaze."

Tumango tango lang siya. I tried to kiss her pero iniwasan niya ako. Bigla siyang tumayo at lumipat ng upuan. Hindi ko alam why all of a sudden iniiwasan niya ang halik ko.

Tiis lang Dane... mahal mo siya diba? Tiisin mo.

Dumiretso si Ali sa kwarto para linisan si Blaze. Nagdecide kasi siya na before lunch kami pumunta dun. Tumawag na rin ako sa bahay to inform them.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon