Chapter 61: Another one?

50 1 2
                                    

DANE'S POV

Tanong ng tanong ang mga kaibigan ko sa nangyari. Kinuwento ko naman sa kanila. Feeling ko kailangan ko rin sabihin para mabawasan naman yung sama ng loob ko. Pakiramdam ko kasi anytime aatakihin ako sa puso sa sobrang bigat na nararamdaman ko. Sa sobrang sakit, sa sobrang sikip, pakiramdam ko hindi ako makahinga dahil sa lahat ng nangyari.

"Aren't you just over reacting?" Tanong ni Blake sa akin.

"Over react? Eh ang kapal ng pagmumukha ng hayup na yun! Pinatikim ko lang sa kanya yung galit na nararamdaman ko sa kanya and I think it wasn't enough!"

Si Kianna, naga-advise din. Akala mo alam yung nangyari. Naiirita ako sa boses nito. Kamping kampi dun sa Lukas palibhasa bet din niya. Tss.

"Kinakampihan mo yun edi puntahan mo dun! Gamutin mo yung nguso dahil pinaputok ko yun." Inis na inis kong sabi sa kanila.

"Pfffft! What I am trying to say is... walang magagawa ang init ng ulo mo. You should have listened and trusted your wife instead pakinggan lahat ng sinabi ni Luke sayo. What if he was just teasing you? Tapos... na trigger ka lang." Sambit niya.

Oo... trigger na trigger. Kaya nga sinapak ko siya eh. We're almost half the bottle ng dumating si Kenzo. Kahit masama ang loob ko... I asked for my wife dahil alam ko siya ang kasama and kahit anong mangyari, asawa ko yun.

"Hinatid ko na sa inyo. Iyak ng iyak. Ayaw nga ako paalisin... hindi ko alam sasabihin kasi tinatanong kung nasan ka. Para kang gago... si Lukas kaaway mo si Sandy pinapaiyak mo. Hindi naman niya kasalanan yung nangyari." nanenermon na tinig ni Kenzo.

Ganyan yan, masyadong protective sa asawa ko. Minsan kahit si Ali ang mali... nandun ang simpatya niya. Si Ali ang kinakampihan... hindi ko naman masisisi dahil si Ali talaga ang kaibigan niya tsaka ex niya yun. Tss.

"Pre! Sinabihan ko siya na wag ng pumasok dun dahil ayoko na nga nag magkasama sila non. Ang kulit! Ang tigas ng ulo!"

"Ahh so ang sinasabi mo? Kasalanan ni Sandy kung bakit ka napikon kay Luke?" Eto na naman ang pagiging sarcastic ni Kenzo.

"Kung kakampihan niyo yang Lukas na yan... edi dun kayo. Hindi niyo naman ako naiintindihan pala." Sabi ko habang suma-shot. "Blake! Peke ata alak niyo dito... walang tama!"

Umiiling si Ken. "Wala akong kinakampihan. Si Sandy ang iniisip ko. Umiiyak yung tao... biruin mo nilayasan mo? Iniwanan mo magisa. Hanggang ngayon nagcha chat sakin, hinahanap ka pa rin. Hindi ka macontact kasi ano? Pinatayan mo ng telepono."

Inis kong nilapag ang baso sa mesa. "Tngina! Bawal ba ko magtampo? Bawal ba sumama loob ko? Nagseselos ako eh! Nasasaktan ako! Hindi ko matanggap yung relasyon nila. Masama ba yun? Wala na ba kong karapatan?"

Walang nakasagot at nakaimik sa akin. Nagiigting ang mga panga ko sa sobrang sama ng loob ko. Sa sobrang gigil ko hinampas ko ang mesa tsaka tinakpan ang mukha ko. Bumuhos na ang luha ko...

"Mahal na mahal ko si Ali at alam niyong lahat yan." Sabi ko habang parang babae na umiiyak. "Kung nakita niyo lang kung paano siya nagalala sa hayup na yun... kung nakita niyo lang kung paano niya kinampihan yun. Baka sakaling maintindihan niyo kung saan ako nanggagaling."

Pigil na pigil ang emosyon ko. Palagi na lang akong umiiyak sa kanila. Baka nga naririndi na 'tong mga 'to sa himutok ko eh. Lumipas ang oras napapasarap ang inom ko... yung iba kong kasama alam kong nagkakaron na ng tama ng alak dahil nagbubuhol buhol na ang salita. Si Kianna lasing na rin... nakahiga na sa single sofa sa kabila. Hahaha. Ang hihina uminom... si Blake na lang ang natitirang matino at Kenzo.

Miss na miss ko na si Ali... Hindi man lang niya ako hanapin... porket hindi niya ako ma-contact talagang hindi nagparamdam. Nanghiram ako ng cellphone kay Hubert... I tried to call my wife pero hindi sumasagot.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon