Chapter 12: Why

87 1 1
                                    

ALI'S POV

Dalawang linggo na ang nakaraan matapos ang pageant at ang kababalaghan na ginawa namin ni Eleazar. Sa tuwing naaalala ko ay hindi ko maiwasan ang mahiya, kabahan, matakot at mapa-ngiti. Haha.

Palagi niya akong inaasar tungkol doon... napaka loko talaga. Isang linggo kaming nagdate dahil isang linggo siya mawawala para sa business nila sa Cebu.

Excited na akong pumasok dahil ngayon ang balik niya. Sa school na raw kami magkita dahil male-late raw siya. Ngayon lang din kasi ang resume ng klase. Ang saya ko lang! Hahaha.

"Ms. Robles" tawag sa akin ng isa sa mga professor sa school.

"Bakit po Mrs. Tolomia?" mahinang tanong ko dahil sa kaba. Isa siya sa mga terror profs sa Campus. Walang pinapalampas. Walang kinikilala.

"EOP. The dean wants to talk to you." nakataas kilay niyang tugon at tsaka ako tinalikuran.

Sumunod ako sa kanya papuntang Dean's Office.

Kumatok ang propesor bago pumasok sa silid ng Dean.

"Goodmorning Ms Robles! Congratulations for your another achievement!" masayang bati sa akin ng matanda at tsaka ako niyakap.

Siya si Dean Salvacion. Napakabait at napaka appproachable.

"Maraming salamat po. Ano po ang atin?" hindi ko na napigilan itanong. Natatakot ako dahil baka may bagsak ako or may kapalpakan akong ginawa.

Hmmm bagsak? Di pa naman kami nageexam hahahaha. Praning lang.

"Gusto ko lang sabihin sayo na may nag sponsor na ng full scholarship mo."

Wait! Hindi ako makahinga... Full? As in... Wala NA akong babayaran? Pero full scholarship ang meron ako... diba?

Sandali pa akong natulala kay Dean.

"Talaga po? Sino po? Naku, pakisabi po maraming salamat! pero Full Scholar na po ako ehehehe."

"It is a school protocol not to disclose any private information that could invade the privacy of our clients. We can't tell you who HE is and what we mean by that, Magkakaron ka na ng allowance" mataray nanaman na sabat ni Mrs. Tolomia.

Allowance? Without being on a Dean's List yet???

Napatango na lang ako at medyo napahiya. So, HE? Lalaki ang nag sponsor pala nun. Lumabas na ako ng room ng payagan ni Dean na bumalik sa klase.

Walang mapagsidlan ang saya ko. Ang laking tulong nito sakin.

Pumasok ako ng room ng hindi nawawaglit ang ngiti sa aking mga labi.

"Iba yan Alissandra ah." nanunuksong si Blake. Tinawanan ko lang ito at hindi pinansin.

Simple akong napalingon sa gawi ni Ken. Ang totoo, iniisip ko talaga kung kamusta siya. Alam kong nasaktan siya ng sobra.

Wala si Hope, simula nung pageant ay hindi ko na siya nakikita. Ayaw ko naman magtanong, ayokong isipin na hinahanap ko siya, nung nagtama ang mga tingin namin ni Ken. Nginitian ko siya. Ngiti na humihingi ng sorry. Ngumiti siya pabalik sakin pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Dumaan ang dalawang klase walang Dane na dumating. Walang text or tawag. Ano na kaya nangyari dun?

Naglakad ako magisa papunta sa canteen. Hindi ko kinikibo yung mga taong nakakasalubong ko. Tss.

"Full scholarship na raw ang isang yan ah?" sabi nung isang babae nung makita ako.

"Oo nga raw." hula ko, kaibigan 'to ni Hope. Pamilyar kasi ang mga ichura nila.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon