Chapter 13.5

73 3 0
                                    

AUTHORS NOTE: BAWAL BATA DITO HAHAHA. INTENSE TO

Lumipas ang ilang oras. Nandito na kami sa bahay nila Hubert at Howard.

Saktong 7:30PM daw ang simula ng party ng Mommy niya pero 6pm pa lang ay dagsa na ang pagpunta ng mga tao. My parents are also invited pero hindi sila makakadalo dahil may convention na pinuntahan sa Makati. Siguro kung maaga ito matatapos ay susunod sila dito. How I wish na wag na lang silang pumunta...

Hiwalay ang venue ng matatanda at namin. Alam ng parents nila Hubert na nag imbita sila ng mga kaibigan kaya kami ay nandito sa pool area at ang mga matatanda ay nasa kanilang ballroom hall.

Hindi ako mapakali. Anong oras ba sinabi ni Hubert sa kanya? Bakit wala pa siya?

"Pre, pahiram ako ng kwarto mo mamaya." Wala sa sarili kong sabi kay Hubert.

"Nyay! Anong balak mo ha?" Nangaasar niyang tingin.

"Tch. Siraulo, doon ko siya kakausapin. Hindi kami makakapagusap ng maayos na ganito karami yung tao."

"Oh, ayun na pala e." Nilingon ko yung ngininguso ni Hubert.

Halos hindi ako nakagalaw ng makita ko siya. Nakalaylay ang buhok. Nakasuot ng crop top na kitang kita ang kanyang makinis na balat! Nakasuot ng napaka iksing short! Nagiinit ang ulo ko sa nakikita ko, yung literal na ulo ko sa taas dahil pinagtitinginan siya ng ibang barkada nila Hubert at Howard.

Tinapik ako ni Blake senyales na sunduin namin siya.

Nakita ko na kasunod niya si Kenzo. Tss. Akala ko ba hindi sasama 'to?

"Oh pano? Dito na ko." Paalam niya ng nakangiti kay Kenzo.

"Ken, tuloy ka muna." Tawag ni Hubert dito. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang ginagawa niya? Sabotahe lang yan e.

"Hindi na 'tol. Thank you, may pupuntahan pa ako e." Parang may pumapalakpak sa tenga ko. Hehehe.

"Mauna na ako." Baling nito kay Ali.

"Magtext ka sa aking kung nasan ka na ha. Pasabi kay Tita Mildred sorry." Tatawa niyang sabi. Corny mo. Anong nakakatawa dun?!

"Haha. Oo. Ako ng bahala kay Mom. Bye. Magiingat ka."

Nagulat ako ng halikan niya ito malapit sa kanyang labi. Ang baliw na babae ay natatawa tawa pa na parang kinikilig.

Sinara ko ng malakas yung gate dahilan para magulat sila at matigil sa kalokohan nila. Jusko! Harap harapan mo akong nilalapastangan Ali. Para akong aatakihin sa puso sa sobrang sama ng loob ko.

Alam ko na may kasalanan ako pero bakit kailangan ganituhin mo ako?

Hindi ako umalis. Nagintay ako sa loob ng gate at ng makapasok siya ay sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at tsaka bumalik sa paglalakad. Masaya siyang nakikipagbiruan kina Blake pero tuwing titingin sa akin ay nagiging blanko ang ekspresyon niya.

"Grabe Ali, ang ganda ganda mo na ang bango bango mo pa." Umakbay sa kanya si Jerson at inamoy amoy ang buhok niya.

Nagtataka ako na hindi siya pumapalag at tumatawa lang. Hinila ko siya sa akin.

"Aray!" Asik niya. "Ano ba?" Nawala na naman ang kaninang saya niya. Lumayo siya ng konti sa akin at lumapit na naman kila Jerson.

Sila Jerson, Blake, Howard and Hubert ay tinatawanan ako. Paano hindi ako makaporma.

Pumwesto kami sa isang table na hindi masyadong malayo sa pool, sa entrance ng sala nila Hubert at sa bar.

"Ano iinumin mo Ali?" Nakakainis na tanong ni Blake. Ano bang problema nitong mga 'to?

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon