DANE'S POV
We celebrated New Year sa bahay lang namin. Kung grabe ang handa ng Pasko, mas grabe yung ngayon. Binonggahan ni Mommy ang handa ngayon. Masaya daw si Mommy dahil kasama niya raw mag New Year ang dalawang apo niya. She keeps on saying thank you kay Ali dahil pinili ni Ali na dito mag spend ng New Year sa amin.
She said na nandito ang bahay niya and nandito ang pamilya niya. Na touch ako... Ali really treats our home as her own. Hindi siya nahihiyang ipakita kung gaano niya ka-mahal ang parents ko. Minsan, nagseselos na nga si Mama Mae dahil mas pinapaboran niya si Mommy.
Dito na rin magsi-spend ng New Year ang mga siraulo kong kaibigan dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nila. Gusto rin naman ng Mommy ko yun... ilang years na namin yun ginagawa. Kahit noon na wala pa akong asawa, dito na talaga sila nagsi-spend ng holidays.
Meron pang paregalo si Mommy at Daddy sa lahat ng kapitbahay namin lalo na sa mga depressed area dito sa amin.
Sa sobrang bait ni Ali, nag pledge siya ng pera at nagpa Thanksgiving Party sa more than 3,500 constituents sa area namin. 10,000 worth of groceries ang pinamigay ni Ali kasama na ang kaunting salu-salo para sa kanila.
Hindi nga lang siya makakapunta dun sa Thanksgiving Party na yun dahil hindi siya pinapalabas ni Mommy. 6 days pa lang simula nung nanganak siya, baka mapano siya at magkasakit. Iniiwasan ni Mommy na mabinat siya. Nu ba yon? Bakit naniniwala sila sa ganun?
"Baby, the event will start in 20 minutes daw. Nandun si Brix at Giselle. Sila na daw ang magpa-facilitate." I kissed Ali on her lips. Buhat niya si Breeze na naka latch sa kanya.
"Baby, pumunta ka dun." Sabi niya sa akin.
"Hindi na babe. Dito na lang ako." Sabi ko sa kanya dahil mas gusto ko siyang samahan.
"Kailangan nandun ka Dane. Para malaman nila na galing satin and para makita nila na kahit gaano kahirap, may nagmamalasakit sa kanila. Isama mo si Blaze ha?" Sambit niya sa akin.
"Bakit isasama pa si Blaze? Ang daming tao dun tsaka mainit dun. Maiirita lang yun babe." Kontra ko sa kanya.
"Gusto ko kasing masanay siya sa tao. Gusto ko rin masanay siya at lumaki na siya nageextend ng tulong sa mga nangangailangan."
Nag agree na lang ako sa kanya para wala ng pagtalunan. Kung ano ang gusto niya, yun ang ibibigay ko.
Nag-send si Giselle ng update kay Ali. Ang dami ng nakapila, inaabangan yung ibibigay niyang groceries. Nagpahid ng luha si Ali ng makita niya kung karami yung nakapila.
"Bakit ka umiiyak?"
"Wala. Masaya lang ako na hindi ko na dadanasin yan. Hindi na ako pipila tuwing may bigayan ng groceries sa amin noon... tapos yung binibigay pagkakasyahin namin hanggang bagong taon."
I didn't know na dinanas niya ito. I didn't know na pinagdaanan niya ang mga 'to.
"Bakit? Eh diba mayaman naman kayo?" Tanong ko sa kanya.
Yes. It's weird that it is just now na lubusan ko na siyang nakilala at nalalaman ang past niya. Noon kasi, wala akong pakielam sa past niya ang importante ay yung ngayon namin at basta nasa sakin siya.
"Hindi. Hindi ako lumaking mayaman babe. 15 years old, nagtrabaho na ako para lang matulongan si Mama. Pineke ko pa lahat ng documents ko non at edad para makapagtrabaho. Lahat ng libre pinatulan ko, libreng bigas, libreng groceries. Lahat... naranasan ko yung ganyan Dane."
Hindi ako makapagsalita. Anong irereact ko? Eh lumaki ako na lahat nakukuha ko. Kaya pala ganun ang Daddy niya sa kanya... lahat binibigay ngayon. Kasi bumabawi sa kanya.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...