Chapter 7

60 1 0
                                    

Ali's POV

Simula nung sinabi ni Dane na hindi niya ako iiwan, eh talagang hindi. Palagi kaming magkasama. Palagi na rin siyang nagtetext. Ayoko naman mag-assume, mamaya kasi gusto niya lang pala ako protektahan at talagang friends lang kami.

Hindi mo kasi maiiwasan magisip dahil laging grupo sila Hope kung lumakad. Baka daw mamaya ay pagtulongan nila ako

Ngayon araw din pala yung nomination para sa Mr and Ms St. Ignace. Hindi ba masyadong maaga? Sabi ni Miss ay 1 year magiging title holder ang tatanghalin na mananalo.

"Okay class. We will now start to nominate a representative for the Mr and Ms St Ignace. Sana naman pumili kayo ng karapat-dapat."

Sila kasi ang magiging representative ng College at magiging gabay ng mga High School. Tch. Daming ekek ng school na 'to.

Tumayo agad yung isa kong kaklaseng babae.

"Sir. I nominate Kenzo Lacsamana" nagtilian naman yung mga hitad sa likod.

"Go baby! Susuportahan kita all the way." Sabi ni Hope with matching kairitang boses!

Baby? Tss. Kakasuka.

Andito kami ngayon sa Lit. Wala si Dane eh. Male-late daw siya kasi manggaling pa siya sa office ng Dad niya. Hmm. Buti hindi siya pinapagalitan ng mga professor namin.

Kung nandito si Dane ay inonominate ko yun eh. Hahaha.

Tumayo naman yung kaklase kong lalake. "Ms. Alissandra Robles for Ms. St Ignace sir." Nabalot ng katahimikan ang classroom.

Nagsalita naman si Hope. "Why her?" Tss. Hope, tanong ko rin yan sa sarili ko.

Biglang may pumasok sa classroom at nagsalita.

"Because she's amazingly beautiful in and outside. She's also smart and decent. You go baby girl. You can count on me!

*winks*" that's DANE ELEAZAR for the record friends.

Ano raw kamo? Baby? Baby girl? Utot ampota.

Uminit naman ang pisngi ko at nagwawala na naman ang mga bulate sa tiyan ko. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng tumabi siya sa akin. Kita ko naman ang prof ko na nililista sa white board ang pangalan namin ni Ken. Ughh.

"Are you okay?" Tanong ni Dane sakin. Oo naman. Okay na okay ako! Andiyan ka sa tabi ko eh!!!

Tanging tango lang ang naging sagot ko. Buong klase naging conscious ako sa sarili ko. Panay ang suklay ko sa buhok ko. Panay ang simpleng amoy ko sa hininga ko at sarili ko. Hahaha. Para akong baliw.

Natapos ang klase. Walang ibang nasa isip ko kundi yung pageant. Dumiretso kami ni Dane sa Cafeteria dahil nagki-crave ako sa chicken ng KFC.

"Meron diyan sa tabi tabi na feeling maganda! Eh naka kapit lang naman sa sikat." Rinig kong sabi nung kasama ni Hope. Kahit naman hindi nila sabihin. Alam ko naman na ako ang pinaparinggan nila.

"I know right? Akala niya gusto siya ni guy. Hindi niya alam past time lang siya. Hahahahaha"

"Malandi kasi..." Pahabol ni Hope sabay tingin sakin.

Hindi makatingin si Dane ng diretso sakin. Wala siyang imik. Nawalan ako ng ganang kumain.

Past time?

Napaisip ako. Masyadong naging open ang buhay ko sa kanya samantalang ako pangalan niya lang ang alam ko. Haha. Ni hindi ko nga alam kung saan sya nakatira.

Hindi na ako lumaban ng sagutan kila Hope dahil at this point, wala akong laban. Wala akong alam.

Pagtapos ko kumain ay hindi ko na inintay matapos si Dane. Tumayo ako agad at umalis.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon