Chapter 35

87 1 3
                                    

.
.
.
.

DANE'S POV

Naupo si Ali sa kama namin habang buhat si Blaze. Miss na miss ko na talaga sila at para na akong masisiraan ng bait sa tuwing iniisip ko na hindi ko na sila makakasama. Kahit isang gabi ko pa lang sila hindi nakakasama, pakiramdam ko ay taon na. Hindi na ako sanay na hindi sila katabi. Hindi na ako sanay na hindi sila nakikita.

Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko. Wala naman ibang dapat sisisihin sa nangyari kung hindi ako lang. Sinisisi ko ang sarili ko dahil napakarupok ko, napaka tanga ko. Nagpadala na naman ako sa makasalanan na tawag ng mundo. Ngayon, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag pinabayaan ko naman siya ay tuluyan siyang mawawala sa akin. Hindi ko alam kung paano niya ako mapapatawad. Alam ko na mahal niya pa rin ako pero syempre, nangingibabaw ang ginawa kong kasalanan sa kanya.

"Dun tayo sa guest room Ya. Patulong ka sa mga helper dito ayusin ang guest room."

Sabi ni Ali sa Yaya na sugo ni Lacsamana. Tss, talagang nagpadala pa dito ng bantay. Anong akala niya? Argabyadong argabyado si Ali dito? Tss.

"Anong guest room? You're sleeping here." Inis kong singhal.

"Sino ka para utosan ako? Matutulog ako kung saan ko gusto, at gusto ko yung malayo sayo." galit na galit niyang sambit.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko talaga makuha ang loob niya. Nahihirapan ako pero hindi ako susuko. Natatakot ako na maging desidido siya para iwanan ako. Nang malaman ko na nakikipagusap siya sa abogado para sana mag file ng annulment, kinabahan ako at natakot ng sobra sobra.

Talagang hindi ko kayang mawala sa akin si Blaze at Ali. Masisiraan ako ng ulo. Pakiramdam ko kalahati ng buhay ko ang mawawala kapag nagkataon. Ngayon, nagaalala ako sa sugat niya sa palad. Hindi ko yun sinasadya... sa kagustuhan kong takutin siya para magbago ang isip niya na iwanan ako, napasama pa. Wala na ako sa ulirat talaga. Hindi ko na alam ang ginagawa ko.

Nilapag ni Ali si Blaze ng tumigil ito sa kakaiyak.

"Dito ka lang baby ha. Stop crying na. Uuwi na tayo mamaya." nakatukod siya habang hinahaplos ang mukha ng baby namin na medyo maingay na ngayon. Nagba-blab na si Blaze.

Naiiyak ako dahil baka ito yung mga hindi ko masubaybayan at makita kapag tuluyan akong hiwalayan at iwanan ni Ali. Sobrang nagsisisi na ako sa kasalanan na ginawa ko sa asawa ko.

"Babe..." tawag ko kay Ali. "Wag mo na ako iwanan." gumapang ako palapit sa kanya. Niyakap siya sa bewang niya at hinatak para maikandong siya sa akin. Isinubsob ko ang mukha ko sa balikat at braso niya.

Pumapalag palag siya pero hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Sorry na babe. Sising sisi na ako sa ginawa ko." diniin ko ang mukha ko sa kilikili niya at tsaka bumulong. "Please forgive me. Okay lang magalit ka sa akin. Resent me all you want but don't leave me."

"I will do everything. Kung ayaw mo ng pumasok ako sa work, gagawin ko. I will stay at home, ako ang magaalaga sainyo ni Blaze. Para lang malaman mo na hindi ko na yun gagawin sayo. Palagyan mo ko ng cctv sa kwarto para malaman mo na hindi na ako aalis hanggat hindi kita kasama. Please. Please... Wag mo lang ako iwanan." Humikbi ako sa sobrang pagmamakaawa sa kanya na willing akong gawin ang lahat para lang mapatawad niya ako.

Inalis ni Ali ang pagkakayakap ko sa kanya at tsaka tumayo. Lumapit siya sa sliding door ng terrace ng kwarto.

"I am not mad at you." sabi niya habang nakaharap sa sliding door. Nakikita ko ang reflection niya. "Disappointed ako sayo, Dane." at tsaka humarap sa akin.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon