CHINO's POV
"Sir, nakauwi na raw po sa bahay si Don Alfred." Sambit ng isa sa mga bodyguards ko.
Inayos ko ang aking pagkakaupo sa recliner chair.
"Ganun ba? Nabili mo na ba lahat ng pinapabili ko?" Tanong ko ng hindi ito nililingon.
"Opo sir."
"Oh edi tara na." Nakangiti kong sambit sa tauhan ko.
Dumiretso kami sa mga mansyon ng mga Icasiano. Hindi ko maiwasan ang mamangha. May mansyon din kami pero hindi kasing garbo ng mansyon na ito. Pinaghalong modern at vintage. Salamin ang lahat ng gamit at balot sa ginto at pilak. Hindi mo maitatanggi na mayaman ang nakatira. Ubod ng yaman. Sobrang yaman!!!
Napaka swerte nga naman talaga ni Dane... kaso tanga siya eh. Masyadong kampante. Nasa kanya na nga ang pangarap ng lahat kaso hindi marunong makuntento. Gusto pang mangisda sa maruming ilog kahit nasa kanya na ang Diamante.
Dahil nga close kami ni Sir Alfie. Kilala na ako ng mga tauhan niya. Kilala na ako ng mga empleyado niya. Pinaghirapan ko para marating ko ang ganitong pagkakataon.
Ang mapalapit sa Daddy mo, Sandy.
Hanggang sa tuluyan niya na akong pagkatiwalaan to the point na pati ikaw ay ipagkakatiwala niya sa akin.Nakita ko ang Don na paakyat na ng hagdanan kaya tinawag ko ito.
"Sir Alfie!" Ngumiti ang Don ng makita ako.
"Chester! What brought you here?" Muling naglakad pababa ang Senyor at malugod akong binati.
"Nabalitaan ko po nangyari sa inyo. Sobra mo kong pinagalala sir! Eto nga pala, some fruits pampalakas mo. Para makapag golf na tayo." Nagpeke ako ng tawa.
Nakita ko ang pagkagulat ni Sandy. Hindi niya alam 3x a week kami naggo-golf ng Daddy niya, na palagi kaming magkasama para makuha ko ng tuluyan ang loob niya. Hindi ako katulad ni Dane na puro pambababae ang inaatupag.
Inalok ako ng Senyor ng maiinom at kape ang napili ko. Paboritong inumin ni Sandy.
Nakita ko at nakumpirma ko na may problema silang magama dahil parang ayaw ng Daddy niya na andito siya.
Nagpaalam na si Sandy na uuwi na pero hindi naman ako papayag na ganun ganun lang... bago pa ako pumasok nakita ko na ang kotse ni Dane. Inutosan ko na ang tauhan ko na butasin ang gulong ng kotse na yun, para ang ending. Ako ang makakasama mo pauwi.
Dahil dun, nagkaron ako ng chance para maihatid siya pauwi. Halos tahimik lang siya buong byahe.
Tinext ko na si Alyce.
"Malapit na kami. Simulan mo na."Sms from: Alycel Tan
[I am on it. Tumatalab na ang gamot. Mamaya wala na 'to sa sarili.]I planned this everything. Nagpanggap ako na makiki-CR para masaksihan ang pagwasak ng puso ni Sandy.
At hindi ako nagkamali...
Hinayaan ko siyang dalhin ang sasakyan at sinadyang isigaw ng malakas ang pangalan niya.
"Sandy!"
Then I heard a footstep...
Kung alam mo lang Sandy... kung alam mo lang na ako lahat ang nagplano nito. Ako ang nagsabi sa Daddy mo ng nangyayari sa buhay niyo Dane... Ako ang nagplano para mapauwi ka dito.
Tama yan, Sandy.
Dahil ang susunod na plano ko ay kung paano ka mapapasakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
DANE'S POV
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
عاطفيةMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...