ALI'S POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Nakakasilaw at ang init sa mukha. Hindi na naman nasara ni Dane ang kurtina.
Teka...
Dane?
Dinilat ko ang mata ko at tinignan kung sino ang katabi ko. Bakit kasama ko 'to? Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Kahit napapailing dahil sa kagagahan ko, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Basta kaharutan talaga... jusko!
Tinawagan ko ang kapatid ko.
[Ohhhhhhh] ungot nito. Mukhang nagising ko lang sa tawag. Ang aga aga pa kasi.
"Xander!" pabulong kong sabi dito. "Bakit nandito ako sa kwarto ni Dane?"
[Ewan ko sayo!] antok na antok pa niyang sagot sa akin.
"Anong ewan mo sa akin? Punyeta ka pinapamigay mo ko?!" This time, gigil na gigil na talaga ako pero hindi ko malakasan ang boses ko dahil ayokong magising 'tong isa na pagod na pagod.
[Ate, ang arte mo. Asawa mo naman yan! Tsaka hindi ko na kasalanan kung bakit diyan kayo napunta. Ang harot harot mo kagabi.]
Tinakpan ko ang bibig ko. Kingina, totoo ba ang sinasabi nito? Asawa daw. Tss!
"Wag kong malalaman na planado niyo 'to ng kuya mo ah. Sinasabi ko sayo..." Pagbabanta ko rito
[Wag nga ako te! If I know, masaya ang gabi mo at enjoy na enjoy ka wahahahaha! Sige na matutulog pa ako. Ang aga aga mo mang istorbo.]
Hindi na ako naghilamos. Nagbihis na ako... kingina di 'to pwede. Mamaya may syota 'tong letse na 'to maging kabit pa ako. Mabilis akong umalis ng bahay nila Dane. Hindi ko na rin sinilip ang mga anak ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mag stay na lang ako hahahaha!
Hiyang hiya ako sa sarili ko lintik na yan. Mga kagagahan mo talaga Sandy... hays! Nalasing lang nagpabembang ka na agad sa Ex-Husband mo without even knowing kung meron na bang girlfriend na yan.
Yes, single ako pero si Dane? Eh mukhang may something sila nung Ashley. Sama sama lagi tumingin sa akin. Haha. Wala akong balak agawin si Dane sa kanya dahil akin yan kung gugustuhin ko.
SMS from Xander: Ate, binigay ko number mo kay Kuya Dane ha. Kulit eh.
PUCHAAAAAA! Kahit kailan talaga 'tong kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Oo nga pala... I changed number again kasi nawala yung phone ko when I toured sa Japan. Eh hindi naman na pwede yung old number ko dahil pang ilan beses ko ng pina-recycle yun.
Daig ko pa ang siraulo. Hindi ko alam na after that incident, iwas na iwas ako kay Dane. Para akong napapaso at hindi ako ready na makaharap siya. Mamaya kung anu-ano ang sinabi ko habang ginagawa namin yun. Nakakahiya talaga!
Ilang linggo na ang lumipas pagtapos ng gabing yun pero hanggang ngayon hiyang hiya pa rin ako. Nakaramdam ako ng ilang hindi ko alam kung bakit.
Siguro dahil... wala na talaga kami? Isa pa, alam ko rin na may syota na yang letseng yan. Napakaharot talaga. Wala nga akong maalala na sinabi ko o sinabi niya ng araw na yun. Ang huling nakatatak lang sa memorya ko ay kung paano sila magusap ni Ashley na sobrang magkalapit ang mukha dahil sa lakas ng sounds ng bar. Kung paano rin sila magsayaw... kung paano hawakan ni Dane ang bewang niya at kung paano hatakin ng kinanginang babaeng yun ang damit ni Dane.
Ang pangit ng naaalala ko... Bwisit ako sa sarili ko ngayon dahil hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng selos. Tapos na ang samin ni Dane, dapat nga masaya na ako e. Dahil sa tagal ng panahon, nakalaya na rin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...