Chapter 25

51 1 0
                                    

ALI's POV

Bumangon ako sa kama ng makarinig ako ng ingay sa labas. Naiirita rin ako sa tawa ni Dane.

Sobrang stress tong araw na 'to. Pero hindi ko magawang magalit. Dahil hindi naman kami nung panahon na nangyari yun at tsaka, wala namang kasalanan si Baby Jake. Cute na cute pa nga ako sa kanya eh. Gusto ko siyang buhatin kanina kaso inaway nila ako.

Nakakalungkot at sobrang sakit ng mga sinasabi nila. Pero hindi ko man lang nagawang magalit. Nasaktan ako oo, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit. Naiinis lang talaga ako kay Alyce kanina. Napaka desperada.

Sinuot ko ang robe para silipin ang tao sa labas. Naginit ang ulo ko sa nakita ko.

Si Bea?! Anong ginagawa niya rito!!!!

"Mukhang masaya ka Dane ah!" Tumayo siya at lumapit sa akin habang hawak hawak ang beer na iniinom nila. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Kamusta tulog ng mahal kong asawa?" Nakakangiti pa siya? Pagbuholin ko silang dalawa eh.

Tsaka bakit magkasama silang dalawa ni Dane sa sala? Kapal ng mukha. Dito pa talaga nagiinuman.

"Anong ginagawa mo rito?!" Mataray kong tanong sa babae. Hindi siya nakasagot dahil biglang may sumulpot na tao galing sa kusina.

"Good morning Sandy! Kamusta tulog?" Si Ken. May dala dalang adobo at naghahain ng pagkain sa mesa. Nakakaloko ang tanong niya.

Tinignan ko ang orasan. 8PM na pala. Good morning daw. Bobo eh.

Naexcite ako nung makita ko siya kaya agad agad ko siyang nilapitan at niyakap. Pero etong Dane, hinila ako agad. "Not too close." Tss!!! Sila nga nung babaeng yun, close na close.

Speaking of that girl?

"Oy ikaw. Anong ginagawa mo rito? Hindi mo pa ako sinasagot." Mapaklang tanong ko sakanya.

"Aayain ka sana namin bukas sa kasal namin ni Ken. Gusto niya kasi, ikaw ang bridesmaid ko." Nakangiti niyang sabi.

Hindi ako makapaniwalang bumaling kay Ken. Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa bigla.

"Wag mo sabihin na tatanggihan mo ako" seryosong tanong ni Kenzo.

Um-oo ako agad. Hindi ko na rin tinanong kung paano naging sila basta ang alam ko, masaya ako para kay Kenzo.

Maga-alas dose ng umuwi sila Ken at Bea. Ngayon ko lang narealize na bagay silang dalawa. Sweet si Bea kay Ken. Lagi niyang kinikiss at sinasabihan ng I love you kahit na kaharap pa kami ni Dane. Hindi na rin ako nagseselos sa kanya. Mukha namang seryoso si Kenzo sa kanya eh kaya okay lang kahit magpakasal sila agad. Hahaha.

Napakasaya ko talaga para kay Kenzo.

Tumabi sa akin si Dane pagkatapos maligo. Ang bango bango niya talaga. Humarap ako sa kanya at sumiksik sa kilikili niya. "Mahal ang bango mo." NatAwa lang siya.

Hinalikan ko siya ng malalim. Mapangakit ang mga halik ko. Naramdaman ko na nanabik siya dahil pinisil niya ang pwet ko.

"Hahaha ang naughty mo ha!" Pangaasar ko sakanya.

"Magpahinga na tayo mahal ko. Maaga pa tayo bukas." Sabi ko sakanya.

10am kasi ang kasal nila Ken at Bea. Simple lang daw at close relatives lang ang invited. Less than 30 persons lang ata invited.

"Excited ka na ba?" Nakangiting tanong ng gwapong Dane sa akin.

"Oo mahal. Excited na ako. Sobra!" Kakaibang ngiti ang binigay ni Dane.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon