Chapter 3

80 2 1
                                    

Ken's POV

Nahihilo ako dahil sa ininom kong alak pero mas nahihilo ako kakaisip kung papaano ako papatawarin ni Sandy. Halos hindi ako makahinga sa mga naiisip kong posibleng mangyari.

Naalala ko yung mga panahon nililigawan ko siya at kung paano ko siya nakilala.

Ramdam ko ang pag guhit ng mga ngiti sa labi ko ng unti unti itong nag flashback sa akin...


Magkalaban ang school namin noong High School kami sa Inter-School Sports Fest. Player siya ng Volleyball habang ako ay player ng Basketball. Pareho kaming graduating nung mga panahon na yun.

Saktong tapos na ang game namin ng maisipan ng team namin na panuorin ang laban ng mga Volleyball Team bilang suporta. Nagkataon, ang school nila ang kalaban.

Unang kita ko sakanya ay hindi ko na maiwasan na balik balikan siya ng tingin. Kakaiba ang kanyang dating. Kakaiba ang kanyang mga ngiti. Angat na angat ang ganda niya sa mga ka team niya. Siya rin ang pinakamahusay. Sa tatlong set na naganap ay isang beses lang siyang binigyan ng substitution ng kanilang Coach dahil humiling siyang makapagpahinga ng ilang minuto at saka sinabak muli sa laro.

Back to back Champion ang Girls Volleyball Team namin pero sa pagkakataon na yun. Pinaiyak sila ni Sandy. Pinahirapan at masasabi kong hindi sila umubra. Ibang klase ang hampas niya sa bola ng mga araw na yon. Bawat talon at pag block sa bola ay siya naman sigaw at hiyaw ng kanyang mga kakampi. Bilib na bilib ako sakanya, hindi lang ako. Pati ang buong court kung saan ginanap ang laro. Yung iba namin schoolmates ay chini-cheer na rin siya.

"And our Player of the Day..." panimulang anunsyo ng announcer na malimit ginagawa tuwing tapos ang laro. Hindi maitago ang saya sa kanyang mukha at ningning ng kanyang mga mata. Halos lahat ng tao dun ay pinapalakpakan siya.

"Robles #3, Faith Christian University."

Akalain mong pareho pa kami ng jersey number.

Imbes na malungkot dahil talo ang aming school ay napatayo ako at natuwa dahil napaluhod siya habang umiiyak sa tagumpay na kaniyang nakamit. Isa ako sa naki palakpak.

At doon, sa oras na yun. Kumabog ang dibdib ko. Hindi na siya nawala simula nun sa isip ko. ROBLES. Tumatak yan sa isip ko.

Isang linggo ang sportsfest at ginaganap ito sa ika-apat na quarter ng buong taon. Bagaman magkaiba kami ng eskuwela, batid kong malapit lang ito sa amin. Hindi ko makimkim sa dibdib ko ang kakaibang saya nung malaman ko na ang ika tatlong araw ng laro namin ay sa school nila gagawin.

Hindi ko maiwasan ang mangiti nung makarating kami sa eskwela nila. Maliit lang ito kumpara sa school namin at hindi rin ganoon karami ang mga estudyante. Nasa 3rd floor ang kanilang gym. Maliit lang din. Hindi kagaya sa amin na malaki at kayang i-accommodate ang buong campus pero wala lang yun sa akin. Kakaiba ang kabang nararamdaman ko.

"Are you okay?" Nagulat pa ako sa biglang tanong ni Bryan sakin. Natawa ako.

"What made you ask? Yes. I'm okay." I tried to act normal. Ano bang nangyayari? Haha. Bakit naman niyang naisip na hindi ako okay.

"Eh bakit parang may hinahanap ka?" Maloko niyang tanong. Tch.

Pinadiretso kami ni Coach noon sa isang bakanteng classroom. Yun ang nagsilbing lounge namin, sa katabi namin ay ang karibal na eskwela at sa harap ng pinto namin ay ang kina Robles. Ilang beses akong sumilip sa pintuan, nagbabakasaling makikita siya ulit pero hindi yun nangyari.

Nagsimula na akong magsuot ng mga gear na gagamitin ko sa paglalaro.

"Ken, tara na raw sa GYM sabi ni Coach." Tawag ng teammate kong si Jed.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon