Chapter 54

52 0 9
                                    




ALI'S POV

Pagdating ni Dane sa venue, tumawag siya sa akin. Actually, buong byahe niya naka-on lang ang phone. Hindi ko nga alam na nakatulog na pala ako habang kausap siya. Nagising na lang din ako dahil nag-ring ulit ang cellphone ko.

"Hmmm?" antok na antok kong sagot kay Dane.

[Bie, andito na ako.]

"Oh kamusta? Nag-start na Business Convention niyo?"

[Hindi pa bie. Pa-start pa lang.]

"Sino kasama mo?"

[Ibang stockholders ng MTLC at tsaka company ng Daddy mo. Si Kenzo hindi daw makakapunta... sa susunod na araw pa raw.] bagot na bagot na sabi ni Dane.

Hindi? Eh kaya ko nga siya pinayagan kasi alam ko kasama niya si Kenzo dun, tapos hindi naman pala. Kung anu-ano agad ang tumakbo sa utak ko ng malaman ko sa kanya na hindi makakasama si Kenzo pero sinawalang bahala ko na lang.

"Okay ka lang ba diyan bie?" Nagaalala ako sa kanya kasi wala siyang kasama. Hindi marunong makihalubilo 'to si Dane lalo na pag hindi naman negosyo pagkukwentuhan niyo. Buti nga may kaibigan pa yan e HAHAHA.

[Hmm hmm bie. I'll be fine. I'll call you again later. The event's about to start na. I love you.] ngumuso si Dane sa camera kaya hindi ko maiwasan ang hindi matawa.

"I love you too baby..."

I ended the call tapos sinendan ko siya ng pictures nila Blaze at Breeze na tulog pa rin.

Pinoproblema ko pag gising ni Blaze, baka magtampo siya sa Daddy niya dahil umalis ito ng natutulog siya. Blaze is so smart... he is extraordinary. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang utak ni Blaze pero sobrang talino niya. He knows already kapag nagsisinungaling ka sa kanya and he remembers everything. Kaya hindi mo rin siya pwedeng pangakuan tapos hindi mo gagawin kasi kukulitin ka niya and will keeps on reminding you about that promise. Matandain din siya sa mga salita salita... kaya nagiingat kami ni Dane sa mga sinasabi sa kanya kasi minsan iba ang take niya dun.

Kagaya na lang nung umalis ako... palagi niyang sinasabi at tinatanong sa akin why did I leave him. Umalis daw ako kasi daw baka hindi ko na siya love. Hay...

Bago matulog si Dane naka video call lang kami. Si Breeze kasi... gusto rin nakaharap lang Daddy niya sa kanya kaya sa iPad kami naguusap.

Palaging ganun pero nung ika 4th day ni Dane sa convention... meron pa siyang ilang raw bago makauwi. Hindi na natiis ni Blaze... tinanong na niya ang Daddy niya dahil inip na inip na siya sa tuwing isasagot ng Daddy niya na malapit na siyang umuwi.

"Daddy, when will you gow home?" Tanong ni Blaze. "I miss you Daddy. Bakit ikaw ales sleep bweiz?" hanggang ngayon hindi matanggap ni Blaze na umalis ang Daddy niya ng tulog siya.

[Sorry handsome. Daddy needs to leave na. You were sleeping, I didn't want to wake you up.]

"Batet di mo kami sama?" Tanong ni Blaze pero yung tanong niya may halo ng galit. Nagtatampo siya sa Daddy niya.

[Work si Daddy anak. Daddy will go home agad. Malapit na... Ilang sleep na lang.]

"No Daddy. Sabi Mama tagal pa ikaw uwi." malungkot na sabi ni Blaze. "Iwan mo ba Mama? Gaya mo ba si mama na awis awis? Away ba kayo?"

Hinimas ko ang tiyan ni Blaze. "No baby. Mama and Daddy are not fighting. Daddy needs to go there because he is working."

[No baby. I will not leave your Mama. We are not fighting. Daddy is really working.]

"I miss you, Daddy." Naka-kandong sa akin si Blaze habang kausap ang Daddy niya. Sobrang lungkot ng mukha. Akala mo nalugi sa negosyo ang itsura.

Tumingin sa akin si Blaze. "Diba Mama, after work uwi Daddy? Batet tagal uwi if he's just working?"

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon