AUTHOR'S NOTE:Fast forward ko na story. There might be some plotholes pero salamat sa patuloy na pagbasa and pagsuporta. Salamat kasi kahit magulo iniintindi niyo ang storya HAHAHA. Mahal ko kayo! <3
*****************
DANE'S POV
Para akong sinasaksak habang pinapanuod ko si Ali paakyat ng kwarto. Talagang gusto na niyang makipaghiwalay sa akin. I no longer have a choice but to give her what she wants. I will give her time and space para makapag isip isip.
"Dane." nilingon ko ang Daddy ni Ali. Hiyang hiya na ako sa kanila. Sobra sobrang abala na...
Christmas Season pero ito ang family gathering namin... hiwalayan namin ni Ali. What an awesome family gathering.
"Pabayaan mo na muna si Sandy. She's disoriented... she's disturbed. Gulong gulo siya sa lahat kaya ganyan siya mag desisyon. She's impulsive dahil sa mga nalaman niya."
"I... I understand. I have to..." huminga ako ng malalim. "Dito na po muna ako. I'm not giving up on her. I'm not giving up on us. I just want to give her some space. Sobra kong mahal ang anak niyo... she's my life. Hindi ko nga po alam kung paano ako mamaya, bukas at sa mga susunod na araw."
Lumapit sa akin si Mama Mae. "Ma... kausapin mo si Ali. Hindi ko to kaya eh... gusto ko lang bigay sa kanya yung hinihiling niya. Baka gusto niya lang ng space ma pero hindi ko kaya mawala siya sa akin."
"Nak, kakausapin ko si Sandy. Wag kang magalala..."
Pinunasan ni Mama Mae ang pisngi ko. "Ayokong pagsisihan 'tong pagpayag ko sa gusto niya na maghiwalay kami. Baka... baka mapunta siya sa iba ma. Baka mahanap niya sa iba yung mga bagay na wala sa akin."
"Dane... mahal ka ni Sandy. Minsan kasi sa sobrang gulo ng isip natin... nakakapag desisyon tayo ng hindi tama na sa palagay natin yun ang tama. Hayaan mo na muna siya."
"Opo... ganun na nga po. I will give her the space that she needs not because I am agreeing to end our relationship. I will fix myself ma. I will prove to her that I have changed and that I deserve her. Papatunayan ko sa kanya Ma na hindi mali na ako ang pinakasalan niya."
"Aalis na muna ako Ma... hindi ko kaya dito. Baka sundan ko agad yang anak mo... maiinis na naman yan sa kin."
.
.
Sinubukan akong pinigilan ni Mommy at Daddy. Ganun na rin ang parents ni Ali pero I made sure to them na okay lang ako. Sinamahan din ako ni Xander para hindi na sila magalala. Dumiretso kami kila Blake... dun na muna kami iinom.
Gusto ko na lang muna mag-inom. Gusto ko munang magpakalasing. Nandun na kila Blake ang iba namin barkada ng dumating ako. Kami na lang ang wala ni Xander.
"Oh anong balita pre? Kamusta?" Bungad sa akin ni Howard pero hindi ko ito pinansin. Dumiretso ako sa Liquor Bar nila Blake at kumuha ng baso. I put ice on it and some whiskey. Tinungga ko ito... mga tatlong sunod ko itong ginawa. Feeling ko kaya kong ubusin lahat ng alak na meron ngayon sa buong mundo sa sobrang kirot ng puso ko.
Tngina, sa buong buhay ko. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. I don't even know kung kaya ko pang magmahal ulit kung sakaling maghihiwalay kami ni Ali. Hindi ko na nakikita ko ang sarili ko na may kasamang iba... bakit ba ganun na lang ako pagisipan ni Ali? Nakakasama ng loob. Pakiramdam ko, lahat ng ginawa ko at ng efforts ko balewala. Lahat ng ginagawa ko... hindi naman ako ganito makipagrelasyon.
Pero simula ng makilala ko si Ali nagbago lahat... natuto akong makuntento. Oo, nagkamali ako pero mahal na mahal ko si Ali. Si Ali lang... si Ali lang.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...