DANE'S POV
Nasa sala ako ngayon kasama ang Mommy at Daddy ko na hanggang ngayon ay galit sa akin dahil sa ginawa ko kay Ali. Sana alam niyo ang totoo. Sana alam niyo kung bakit ko ginawa yun. Maybe they will understand me pero hindi ko pwedeng sabihin sa inyo dahil ayokong madamay kayo.
"Wala ka bang balak hiramin ang anak mo? Hindi mo ba namimiss si Blaze?" Inis na baling sa akin ni Mommy. Anong hindi? Kung alam mo lang. Miss na miss ko na ang anak ko. Gabi gabi kong iniiyakan ang mag-ina ko.
Hindi ako sumagot. Hindi niyo rin naman maiintindihan e.
"Kung hindi, isipin mo naman kami! Magkakasakit na ako kakaisip sa apo ko!" Sigaw ni Mommy sa akin.
"Gina, huminahon ka. Bakit hindi ikaw ang kumontak kay Ali?" Sabat ng Daddy ko.
"Akala mo hindi ko ginagawa? Hindi niya sinasagot ang tawag ko! I'm sure iniisip niya na kinukunsinti natin 'tong anak mo sa pagsasama nila ni Alyce!"
Galit na galit si Mommy ngayon. Anong malamang? Ganun na talaga iniisip nun. Damay na rin kayo sa galit nun. Humawak ako sa ulo ko... sumasakit lang ang ulo ko sa talak nito ni Mommy. Hindi nakakatulong.
Papatayin ko na sana ang TV dahil wala naman kakwenta kwenta ang pinapanood kong dramaserye sa TV. Dagdag mo pa ang ingay nitong nanay ko, ng mag commercial at magkaron ng breaking news.
"BREAKING NEWS... PINASOK NG HINDI BABABA SA LIMANG ARMADONG LALAKE ANG THANKSGIVING PARTY NI CONGRESSMAN ALAMEDA NA NGAYON AY ELECTED CITY MAYOR NG MAYNILA."
Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko pero mas lalo akong pinakaba ng narinig ko... lahat ng tao sa sala ay ganun ang naramdaman.
"8 ANG NAGING BIKTIMA NG PAMAMARIL KASAMA ANG PAMANGKIN NI MAYOR ALAMEDA NA SI BLAKE VILLAROXAS AT ANG ANAK NG PINAKASIKAT NA NEGOSYANTE NA SI ALISSANDRA ICASIANO... INAALAM PA SA NGAYON ANG MOTIBO NG PAMAMARIL."
Hindi ko na kinaya... mabilis akong tumakbo palabas ng garahe at nag-drive paalis ng bahay. Sa Plaza del Lajer ako unang nagpunta.
"Sir excuse me!" Pagkuha sa atensyon ng isa sa mga pulis. Nilingon ako nito.
"Saan dinala ang mga nabaril?" Kabado kong tanong.
"Sa St. Anthony Medical Hospital po. Bakit po sir?"
Hindi ko na ito sinagot at dumiretso na sa ospital na yun. Nagkakagulo ang mga tao sa E.R
Hinanap ko si Ali. Nagpunta ako sa direksyon kung saan naririnig ko ang boses niya.
"Ken... si Blake!" Iyak ito ng iyak.
"Oo, ginagamot na ng mga Doctor. Halika na, kailangan mo rin magamot." Sambit ni Kenzo habang hinahatak si Ali palayo isang isolated ward sa E.R
"Hindi... hindi. Dito lang ako. Iintayin ko yung doctor niya. Iintayin ko yung balita sa kanya." Pagkontra niya kay Kenzo.
"Pucha naman! Hindi mo ba yun pwedeng gawin habang nagaantay????" Inis na singhal ni Kenzo. "May tama ka rin oh!" Batid ko na napipikon na si Kenzo sa kanya.
Matigas ulo niyan. Tignan ko lang kung makinig yan sayo.
Tinignan ko ang braso niya. Nadaplisan ito ng bala pero mukhang malalim pa rin dahil tumatagas ang dugo niya sa braso. Mabilis akong naglakad papunta sa kanya.
"Ba— Ali." Nilingon niya ako pero agad din ibinalik ang paningin sa window kung saan makikita mo si Blake.
Iyak lang siya ng iyak. "Blake..." bulong niya habang nakahawak sa salamin.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...