Chapter 42

65 0 0
                                    

DANE'S POV

I am still ashamed of what I did to her. She became distant na ulit simula ng gawin ko yun. She doesn't talk to me and only responds kung may itatanong ako sa kanya. Isang tanong isang sagot ang naging paguusap namin. Madalas matulog ng nakatalikod sa akin. Nayayakap ko na nga lang siya kapag mahimbing na ang tulog e. Paano, nagigising siya sa tuwing ginagawa ko yun. Hindi ko alam pero parang natakot na. Aish!!! What have I done?

"Bie..." tawag ko sa kanya ng pumasok siya sa kwarto. Hindi ko alam kung saan siya galing pero mas madalas na wala siya sa kwarto at nasa baba lang. Aakyat na lang kapag inaantok na or pagod na or gusto ng magpahinga.

Isang linggo na ang nakakalipas pero galit pa rin siya sa akin. "Bie..." malambing kong tawag sa kanya.

Tumayo ako at niyakap siya para pigilan siya sa kung saan man siya pupunta.

"I love you." Malambing kong sabi sa kanya. Ang kaninang stiff niyang katawan ay nagrelax. Dahan dahan siyang humarap sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"Napagisipan mo na ba ang ginawa mo?" Malungkot niyang tanong. Titig na titig siya sa mga mata ko. Tumango tango ako bilang sagot sa kanya.

"Sorry babe. Hindi ko na yun uulitin. Wag mo na ako parusahan. Pinagsisisihan ko na."

"Takot na takot na ako sayo alam mo ba yun? Kasi paano kung magalit ka na naman... baka hindi lang yun ang gawin mo sa akin."

I hugged her so tight. "Hindi na babe. Sorry na... I will not do it anymore. I promise." I give her a peck on her lips.

"Muntik ng mapahamak ang baby ko, Dane. Dahil sa ginawa mo." I saw tears formed in her eyes. Mabilis ko siyang inalo.

"Alam ko... kaya sobra sobra akong nagsisisi... sorry na baby."

She nodded. "Magbebehave na ako baby. Sorry. Hindi ko mapigilan ang sarili ko e. Hindi ko ma-control ang emosyon ko. Nagseselos ako kay Blake. Alam ko kasi na espesyal siya sa buhay mo e." Nagtatampo pa ang tono ko.

"Sorry din... kung pakiramdam mo hindi ko kino-consider ang feelings mo. Maniwala ka sa akin Dane... bago ako kumilos, palaging sampung beses kong pinagiisipan kung ano ang mararamdaman mo. Hanggang kailan mo ba pagdududahan ang pagmamahal ko sayo?"

Kahit pinipigilan niya, alam ko na naiiyak na naman siya.

"Oh tama na... sorry na. Iiyak ka na naman e."

"Paanong hindi? Nakakasama ka ng loob. Palagi mo akong pinagiisipan ng masama... sino bang gumagawa nun? Ikaw diba? Iniisip mo sa akin, pero ikaw ang gumagawa."

Niyakap ko ang baby ko at hinalikan sa noo. "I love you baby. Sorry. Promise, magpapakabait na ako."

"Puro ka promise!" Sabay hampas sa dibdib ko. My wife hugged me back and it comforts me.

Few weeks have passed and I can say that our relationship is getting stronger. I am now learning to control my emotions. I am learning to trust her as much as she is trusting me.

Biglang nawala si Chino. Hindi ko alam kung saan lupalop nagpunta pero hindi na namin siya naramdaman after lumayas ni Alyce sa bahay namin. Si Alyce? Hindi ko rin alam.

Pero hindi ako nagpaka kampante. I am still sick worried sa safety ng pamilya ko. Nahahalata na ng pamilya namin ang pagtaba ni Ali. Although hindi pa rin masyado halata ang tyan niya dahil sa shape ng katawan niya ngayon, obvious na obvious ang pag lapad ng balakang niya.

She's running on her 5th month. Palagi na siyang naka loose shirt dahil hanggang ngayon, ayaw niyang ipaalam bukod sa amin dalawa. Well, si Xander alam niya.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon